Janella ‘naglihi’ sa manok?

Habang hindi talaga nagsasalita si Janella Salvador, o si Markus Paterson, o kahit si Janine Desiderio sa tunay na sitwasyon ng una, na sa United Kingdom nga ngayon, kanya-kanyang pauso, suspetsa, hinala, haka-haka ang mga fan.

The post Janella ‘naglihi’ sa manok? first appeared on Abante.

janella naglihi sa manok - Janella ‘naglihi’ sa manok?
abante janella salvador - Janella ‘naglihi’ sa manok?

Habang hindi talaga nagsasalita si Janella Salvador, o si Markus Paterson, o kahit si Janine Desiderio sa tunay na sitwasyon ng una, na sa United Kingdom nga ngayon, kanya-kanyang pauso, suspetsa, hinala, haka-haka ang mga fan.

Sa latest Instagram story nga ni Janella, kitang-kita na ang pagbabago sa kanyang mukha. Tumaba nga ang singer-aktres, at medyo nagkakaroon na nga siya ng dobleng baba.

Kapansin-pansin din na nadagdagan na ang timbang nito, at kahit ang kanyang dibdib ay medyo malusog na rin, base sa video niya sa IG.

At pati ang kinakain niyang ‘chicken’ ay binigyan din ng kahulugan. Na kesyo baka ang manok ang pinaglilihian ni Janella, ha! Teka, kung totoong buntis si Janella, nasa ‘lihi’ stage pa rin ba siya ngayon?

Anyway, again, habang walang direktang pag-amin, o pagsasalita mismo galing sa kanilang kampo, mananatiling ganito ang sitwasyon, na kanya-kanyang chika ang mga fan. (Dondon Sermino)

The post Janella ‘naglihi’ sa manok? first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *