Janella nagkapasa sa leeg

Parehong nagka-pasa sa kani-kanilang mga katawan sina Kim Molina at Janella Salvador.

janella nagkapasa sa leeg - Janella nagkapasa sa leeg
janella 4 - Janella nagkapasa sa leeg

Parehong nagka-pasa sa kani-kanilang mga katawan sina Kim Molina at Janella Salvador.

Sa tweet ni Kim masisilip ang pasa nito sa braso, na ayon sa kanya ay galing sa Halloween costume niyang “red luggage”.

Ginaya ni Kim ang nag-trend na photo ni Dimples Romana, mula sa serye nilang “Kadenang Ginto”. Pinabiyak ni Kim ang maleta at isinuot niya ito, habang ang boyfriend naman niyang si Jerald Napoles ang gumaya kay Dimples bilang si Daniela Mondragon.

Nag-party si Kim suot ang maleta kaya siya nagkapasa sa braso.

Sinobrahan naman ni Janella ang pagi-internalize ng kanyang character sa “The Killer Bride” kaya nag-iwan ito ng pulang marka sa kanyang leeg.

Sa kuwento ni Janella, ibinigay niya nang higit pa sa dapat ang characterization niya sa episode at pinahigpitan pa niya ang lubid sa leeg.

Ang resulta, namula ang leeg ni Janella at nag-iwan ito ng marka sa kanyang balat. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *