Janella, Markus sinorpresa si Janine

Kahit wala pang direktang kumpirmasyon na nagkaayos na ang mag-inang Janella Salvador sa kanilang tampuhan noon, maluwag sa dibdib ng ina niyang si Janine Desiderio ang pagkakaroon ng lovelife ng aktres, maging ang balitang pagbubuntis diumano nito.

The post Janella, Markus sinorpresa si Janine first appeared on Abante.

janella markus sinorpresa si janine - Janella, Markus sinorpresa si Janine
abante salvador paterson - Janella, Markus sinorpresa si Janine

Kahit wala pang direktang kumpirmasyon na nagkaayos na ang mag-inang Janella Salvador sa kanilang tampuhan noon, maluwag sa dibdib ng ina niyang si Janine Desiderio ang pagkakaroon ng lovelife ng aktres, maging ang balitang pagbubuntis diumano nito.

Sa kanyang Instagram post ay nag-throwback si Janella ng ilang mga larawan at music video ng nanay niya para batiin ito sa kanyang 50th birthday.

“90s visual by Miss Desiderio and a little surprise. Today i celebrate the woman who gave me my strong willpower and 1/2 of the talent i was blessed with. Golden. Happy birthday MAMA,” say ni Janella.

Kalakip ng video tribute ni Janella sa ina ang throwback video rin niya noong bata pa siya na kinakantahan ng happy birthday si Janine. Si Janine mismo ang kumukuha ng video.

Kasalukuyan ngang nasa UK sina Janine at Janella, at nakatira nga sila kina Markus Paterson. Sa surprise na pa-cake para sa birthday ni Janine, maririnig nga ang boses nina Janella at Markus, ha! (Rey Pumaloy)

The post Janella, Markus sinorpresa si Janine first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *