Jane single, ready to mingle

Jane single, ready to mingle

Nakahanay sa pagiging millennial ang dalawang young actresses ng bagong Regal Films movie na “Ang Henerasyong Sumuko sa Love” na sina Jane Oineza at Myrtle Sarrosa.

jane single ready to mingle - Jane single, ready to mingle
jane oineza - Jane single, ready to mingle

Ni Rose Garcia

Nakahanay sa pagiging millennial ang dalawang young actresses ng bagong Regal Films movie na “Ang Henerasyong Sumuko sa Love” na sina Jane Oineza at Myrtle Sarrosa.

At pareho rin na pagiging millennial ang ginagampanan nila ngayon. At para kay Jane, na-stereotype lang din daw na kapag millennial, may negatibong connotation na.

“Usually, ‘yun ang nai-stereotype or feeling entitled. I don’t think na lahat pare-pareho. Iba-iba rin tayo kung saan tayo pinanganak. Hindi lahat tayo ay ganu’n.”

Sa ngayon, parang katulad ng karakter niya sa pelikula, self-love rin muna si Jane sa totoong buhay at nag-enjoy raw siya sa ginawa niya sa movie.

“Sobrang nag-enjoy ako rito playing Maan. Kasi, sunod-sunod na ginawa ko na medyo mabigat or medyo sensitive. Dito, medyo light.

“Mas kuwela at makulit lang ako rito, but at the same time, may mga lesson din na makukuha ang mga tao.”

Isang blogger si Jane sa movie na dahil puro seryoso raw ang topic niya, walang nanonood kaya nag-switch siya ng content.

Kahit na single raw siya ngayon at dumaan na rin sa ilang relasyon, hindi raw masasabi ni Jane na sumuko na siya sa love.

“Ang sakit namang sabihin no’n,” sabi niya.

“Siyempre, ang love ang nagpapaikot ng mundo natin. So, ‘wag natin ‘yung sukuan. Siguro, sa mga tao lang tayo susuko. Sa mga taong negative na, pero sa pagmamahal, ‘wag naman.”

Natatawang sinabi ni Jane na technically, single raw siya ngayon. Kaya tinanong namin siya kung single nga siya but ready to mingle.

“Sabi ko nga, hindi naman ‘yun hinahanap. Kusang dumarating. Kung tamang tao, tamang oras, tamang lahat.”

Mahigit isang taon na rin daw siyang walang karelasyon at masaya naman daw siya ngayon, lalo na sa career niya.

Naghahanap ng ka-love team

Hindi na-establish o dumaan si Jane sa love team. Naging magkapareha sila ng co-star niya rin sa movie na si Jerome Ponce, pero hindi nagtuloy-tuloy.

Kaya tinanong namin siya kung gusto niya rin ng ka-love team tulad ng LizQuen, JaDine at KathNiel.

Sey niya, “Mas more on kung ano ang kailangan sa project ako. Kung kailangang gawin at may ipe-pair sa akin, okay rin naman po.

“Kung ano ang roles, kahit na ano, wala naman po akong pinipili. Kung may partner or wala, okay lang din po.”

Mas nahanay nga rin kasi si Jane sa mga dramatic role.

Palaban sa paseksihan

Kapansin-pansin ang laki ng ipinayat niya at ang kaseksihan niya ngayon. Ayon kay Jane, mas naging conscious lang daw siya ngayon sa kinakain niya.

“I watch what I eat din and ako, personally, palagi kong iniisip kung worth it ba ‘yan. Kapag kakain ako, ‘yun palagi ang iniisip ko.

“I started to take care of myself. I think, ‘yung ‘Araw Gabi’, du’n ako nag-start maging conscious at ‘yung nagsunod-sunod na ‘yung mga projects ko, medyo sexy ang theme.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *