Jane Oineza naghirap sa pandemya

Aminado si Jane Oineza na ang project niya na prodyus ng Brightlight Productions, ang I Got You, ang nagsalba sa sitwasyon ng pamilya niya.

The post Jane Oineza naghirap sa pandemya first appeared on Abante.

jane oineza naghirap sa pandemya - Jane Oineza naghirap sa pandemya
Jane Oineza - Jane Oineza naghirap sa pandemya

Aminado si Jane Oineza na ang project niya na prodyus ng Brightlight Productions, ang I Got You, ang nagsalba sa sitwasyon ng pamilya niya.

Idinaan sa biro ni Jane ang chika na naubusan na sila ng pera, kaya malabong mag-abroad siya o gumastos sa pagta-travel sa ngayon.

“Wala na pong pera! Hahahaha!” sabi niya.

“Work, work, work muna. Bawi tayo sa matagal na pahinga. Bawi tayo sa mga nawalang pera. At sana after this, magkaroon pa ng more seasons ng I Got You.

“Saka na ang travel. Pero sana, maka-travel na rin, nami-miss ko na rin kasi,” saad niya.

Nilinaw rin ni Jane na kahit napapanood nga siya sa TV5, Star Magic talent pa rin siya.

“May blessing naman ng Star Magic ang pagpunta ko sa TV5. At thankful ako sa TV5 at Brightlight Productions na binigyan nila ako ng work,” sey niya.

Anyway, marami nga ang gandang-ganda sa serye nilang I Got You, kasama sina RK Bagatsing at Beauty Gonzales, at pinamahalaan ng magdyowang direktor na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas. (Dondon Sermino)

The post Jane Oineza naghirap sa pandemya first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *