Jane de Leon mapapanood sa TV5: Show nina Kris, Ryan ‘di tuloy sa Aug. 15?

May tsikang dahil naka-MECQ (modified enhanced community quarantine) ang Metro Manila (pati na ang Laguna, Cavite, Rizal, at Bulacan) ay posible raw ma-delay ang launch ng mga bagong show ng TV5 sa August 15.

jane de leon mapapanood sa tv5 show nina kris ryan di tuloy sa aug 15 - Jane de Leon mapapanood sa TV5: Show nina Kris, Ryan ‘di tuloy sa Aug. 15?
abante kris 1 - Jane de Leon mapapanood sa TV5: Show nina Kris, Ryan ‘di tuloy sa Aug. 15?

Jun Lalin Anything Goes 13 300x200 - Jane de Leon mapapanood sa TV5: Show nina Kris, Ryan ‘di tuloy sa Aug. 15?May tsikang dahil naka-MECQ (modified enhanced community quarantine) ang Metro Manila (pati na ang Laguna, Cavite, Rizal, at Bulacan) ay posible raw ma-delay ang launch ng mga bagong show ng TV5 sa August 15.

Bukod sa “Bangon Talentadong Pinoy”, sa araw rin na ‘yon ang launch ng “Love Life with Kris” ni Kris Aquino, “Usapang Real Life (URL)” ni Luchie Cruz-Valdes (with special guests Karen Davila, KC Concepcion and Jane de Leon) at iba pa.

Ang una kong tinanong ay si Margie Natividad na executive producer ng show ni Luchie.

“As of today, go pa naman kami sa (August) 15,” sabi ni Margie.

Si Direk Perci Intalan naman na programming consultant ng TV5 at producer ng talent show ng mister ni Judy Ann Santos ang tinanong ko tungkol doon.

“Hindi ko pa sure. Kailangan ma-assess if magkaka-problem sa airing schedule because of MECQ.

“Actually, pagmi-meeting-an namin later (yesterday).

“Update kita kung may mabago sa plans,” sabi ni Direk Perci.

Magmi-meeting sila kahapon tungkol sa bagay na ‘yon dahil, “Just need to make sure walang magha-hand to mouth ng airing. Kasi these days, mahirap ang madalian!”

Tessie madugo ang pinagdaanan pa-IOM

Tahimik lang ang actress at dating TV host na si Tessie Tomas, pero nakaalis pala siya ng Philippines pabalik sa lugar nila ng mister na si Roger Pullin.

Ibinahagi ni Tessie sa kanyang Facebook account ang hirap niya sa pagbiyahe para makabalik sa lugar nila ng kanyang mister.

“Back to isle of man.

“Day 10 of Quarantine at Comis Hotel

“Hello there! After 6 months and 8 days in the Phil. I quietly left last July 25 via Qatar Airlines Mla.-Doha-Manchester and Logan Airlines on a small plane to IOM.

“Hindi madaling magbyahe ngayong pandemic. Una, bawal magbyahe kung tourist ka lang. Kaya lang ako napayagang umalis ay dahil I am now a resident of IOM. Maraming paperwork. 1st you have to get a health certificate from your Brangay after being examined by their doctor, then your certificate goes to the Police Dept. which ultimately issues you a Travel Pass. To go to IOM,I have to fill up a long form online to apply for an ‘Exemption Certificate’, including a hotel booking for the required 14-day quarantine from the IOM govt. You wait for a reply that says, you are indeed granted said Certificate to enter IOM as a returning resident. Then, 48 hrs. before your flight, you have to inform them of your exact flight details. Oh, and for fear of last minute changes in airline policies, I had to rush a Swab Test at St Lukes Global ER. Ang daming tao. At kakagulat din na lahat ng drive-thru swab tests facilities ay fully booked! Buti na lang negative ang result!

“When i was on the plane, I was immediately told by the stewardess that I needed to fill out another lengthy form online before I can enter UK as a tourist, even if I was just a transit passenger. Madugo talaga ang proseso ng isang traveller ngayong New Normal!

Grabe rin ang pinagdaanan ni Tessie makauwi lang sa lugar nila ng kanyang mister, huh!

So, now, Dondon (my dear editor), alam mo na kung bakit hindi pa rin ako makabalik-balik ng Philippines dahil bukod sa mahirap bumiyahe ngayong may COVID-19 pandemic, nakakatakot din lalo na at wala pa ring vaccine!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *