Jane de Leon lumobo ang mga follower sa IG

Agad bumuhos sa social media ang suporta ng mga kapwa artista kay Jane de Leon bilang bagong Darna.

The post Jane de Leon lumobo ang mga follower sa IG appeared first on Abante News Online.

jane de leon lumobo ang mga follower sa ig - Jane de Leon lumobo ang mga follower sa IG
ABANTE jane - Jane de Leon lumobo ang mga follower sa IG

Bagong Darna biglang sikat:

Agad bumuhos sa social media ang suporta ng mga kapwa artista kay Jane de Leon bilang bagong Darna.

Ilang oras matapos ang sunod-sunod na pag-ulan ng balita na siya ang Darna, nagpasalamat ang aktres sa pamamagitan ng Instagram.

“Maraming maraming salamat po sa tiwala! Pa­ngako po na pagtatrabahuhan ko po ito at ibibigay ko ang lahat!” buong galak na sinabi ng aktres.

Binati rin ito ng supposedly Darna na si Liza Soberano ng “Congratulations” with heart pa. “Thank you so much Hope!” reply naman ni Jane kay Liza.

Proud na proud din sa kanya ang mga kaibigan niya sa Girltrends dahil matatandaang minsan din siyang naging bahagi ng all girl group na ito sa “It’s Showtime.”

At hindi lang ‘yan! Tila double happiness ang araw ng Miyerkoles kay Jane dahil finally ay na-verify na siya sa Instagram. Ang verified badge sa tabi ng pangalan sa Instagram ay nanga­ngahulugan na kinukumpira na ng Ins­tagram na siya ay tunay na public figure, artista o sikat na brand.

Katunayan, biglang lumobo ang IG follower ni Jane, ha! Parang mahigit sa 200,000 agad ang na­dagdag, at parami pa nang parami.

Ito na nga ang big break ng aktres sa industriya kaya naman todo abang ang lahat kung paano niya ibibigay ang lahat. (Athena Yap)

The post Jane de Leon lumobo ang mga follower sa IG appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *