Jana Victoria mukha pa ring bata, makatas

Tuloy-tuloy na ang taping ng “Love Thy Woman”, ang bagong primetime series ng ABS-CBN na balik-tambalan ng KimXi nina Kim Chiu at Xian Lim. Actually, nakasama nga ang mag-sweetheart sa trade launch kamakailan ng Kapamilya network.

jana victoria mukha pa ring bata makatas - Jana Victoria mukha pa ring bata, makatas
janna - Jana Victoria mukha pa ring bata, makatas

Tuloy-tuloy na ang taping ng “Love Thy Woman”, ang bagong primetime series ng ABS-CBN na balik-tambalan ng KimXi nina Kim Chiu at Xian Lim. Actually, nakasama nga ang mag-sweetheart sa trade launch kamakailan ng Kapamilya network.

Sabi, first quarter of next year ang star-studded series na ‘yon na ang ilan sa cast ay sina Christopher de Leon, Ruffa Gutierrez, Zsa Zsa Padilla, Eula Valdez, Sunshine Cruz, Jana Victoria at iba pa.

Noong Monday, double unit pa sila. Katsikahan ko kasi si Jana at sinabing enjoy sila sa taping. Kasama niya roon si Kim, kaya hinanap ko si Xian at sinabi niyang, “Nasa kabilang unit. Two units kami today!”

Anyway, marami ang nakapapansin na malaki ang ipinayat ni Jana. Pati mukha niya ay lumiit din.

Bukod kasi sa pagda-diet, panay exercise ni Jana.

Kaloka nga dahil nagbubuhat din siya ng barbel at parang maning-mani lang sa kanya ang ginagawang ‘yon.

“Kasi gusto ko, tuloy-tuloy ‘yung pagpayat. Siyempre, kahit nagda-diet ako, minsan hindi maiiwasan ‘yung napapakain ka sa mga party. Sa taping din, siyempre, napapakain ka lalo na at may mga nagdadala rin ng pagkain sa mga kasama namin. So, need din talaga na regular ‘yung exercise. Ginagawan ko talaga ng paraan ‘yung pagpunta sa gym. Noon, pasingit-singit lang, pero ngayon, priority na talaga,” sabi niya.

Blooming si Jana, pero hindi dahil sa love life ‘yon. Dahil daw sa career. She loves to work daw talaga sa showbiz.

“I really love to act. Masaya ako na nagti-taping na uli ako, ‘tapos si Tita Annabelle (Rama) ang bago kong manager. Sana nga, aside from ‘Love Thy Woman’, marami pang acting projects.

“About love life? Wala na talaga. Totoo, career muna, and of course my daughter, ang priority ko,” sabi pa ni Jana.

Actually, isa si Jana sa mga artista natin na masasabing hindi masyadong nagkakaedad ang itsura, huh! Kung titingnan ang mukha ni Jana, parang ‘yung itsura pa rin niya noon sa “Lagarista” movie na pinagtambalan nila ni Piolo Pascual. Na mukhang sariwa at makatas pa rin. Ang bongga!

***

Raymond nagkasakit matapos ang Halloween party

After months ng preparasyon ng grupo nila at maging napakabonggang event nga ang Opulence: Let Them Eat Cake Halloween party sa The Tent at Solaire, nagkasakit pala si Raymond Gutierrez.

Sobra raw siyang napagod, kaya after that Halloween event, nagpahinga muna siya at last Monday nga ay naging busy na naman sa launch nila ng kaibigang si Liz Uy bilang first male ambassador ng NARS Cosmetics.

Sabi ni Raymond, “Beyond proud to share that I’m the first male brand ambassador for NARS (@narsissist) and along with @lizzzuy the first from the Philippines. To be the face of an international makeup brand is an honor I never expected to be a part of. Makeup is a tool that allows you to express yourself, whoever you may be. I’m grateful for the opportunity to represent a brand that’s always been unafraid to bend the rules, and this bold step forward for the beauty community. #ExcessYourself #NarsStudio54 .”

Wow na wow!

Siyempre, sobrang proud ng family and friends ni Raymond for him. Ang BFF nga niyang si Bubbles Paraiso na palaging nandoon for him ay nagsabing wala siyang masabi dahil all-year round ay maraming achievements si Raymond.

Ang Ate Ruffa Gutierrez nga ni Raymond, kahit busy rin the whole day of Monday ay nagpunta rin sa launch ng kapatid.

“So proud of Mond! He deserve it!” sabi ni Ruffa na the best ate for Raymond.

After the sunud-sunod na pagod naman daw at nagkasakit pa nga siya, ni-reward naman ni Raymond ang sarili ng isang bakasyon.

Last Tuesday nga ay lumipad siya pa-New York City. Nang dumating sa New York City si Raymond ay nag-text siya sa akin at sinabing, “I’ll be here for two weeks!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *