Jameson, McCoy nag-away dahil kay Kira

Ang bongga ng mga bida ng pelikulang “G!” na sina McCoy de Leon at Jameson Blake, na prodyus ng CINEKO Productions na entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula ngayon, September 13.

jameson mccoy nag away dahil kay kira - Jameson, McCoy nag-away dahil kay Kira
jamesonxmaccoy - Jameson, McCoy nag-away dahil kay Kira

Ang bongga ng mga bida ng pelikulang “G!” na sina McCoy de Leon at Jameson Blake, na prodyus ng CINEKO Productions na entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula ngayon, September 13.

Nag-agawan nga sina McCoy at Jameson kay Kira Balinger. At ka-tropa rin nila sina Paulo Angeles at Mark Oblea, na parehong maganda ang role, mula sa direksyon ni Don Don Santos.

Sa kuwento, si Sam Corteza (McCoy) ay team captain ng football na biglang nagkasakit, tumor sa gallbladder.

Mayaman at adventurous siya, kaya dahil may taning na ang buhay niya ay niyaya ang tropa para na mag-road trip at tuparin ang kanyang bucket list at isa rito ang ma-experience ang first sex bago siya mamatay.

At para sa mga nagpapantasya sa mga wetpaks nila, ito na ang chance niyo dahil wala silang takot na naghubo sa “G!”.

Magiging happy ang kanilang paglalakbay at pagwawalwal hanggang sa makilala niya si Sandy (Roxanne Barcelo) na matapos ang nakapag-iinit na eksena at malasing, pagsisimulan ito ng gulo na sisikaping malutas ng magkakabarkada, hanggang sa dumating ang nakakagimbal na pangyayari na hindi nila inaasahan.

Sa kanilang pagkakagulo, mari-reveal na iisa lang ang babae na minamahal nina McCoy at Jameson, na tiyak na nakaka-relate sila, dahil nangyayari rin ito sa totoong buhay at naging maayos naman ang kanilang pagkakaibigan kahit nali-link ngayon si Jameson kay Elisse Joson.

Well nag-shine talaga sina McCoy at Jameson sa “G!” na hindi nagpakabog sa isa’t isa, na lalo pang mamahalin ng kanilang mga tagahanga, na tiyak ding maraming matututunan sa pelikula na kung saan may special participation sina Rosanna Roces, Dominic Roque, Jao Mapa, Precious Lara Alcaraz, Moi Bien, Alora Sasam at Joey Marquez.

Kaya gorabels na sa mga sinehan ngayon. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *