James super titig sa kaseksihan ni Nadine

Halo-halo reaksiyon ng mga fan nina Nadine Lustre at James Reid sa mga naglabasang mga photo na magkasama sila. Kuha ang mga photo na `yon sa shooting ng Wildest Dreams Visual Album na prodyus ng Careless Music, na kung saan ay bahagi nga si James.

The post James super titig sa kaseksihan ni Nadine first appeared on Abante.

james super titig sa kaseksihan ni nadine - James super titig sa kaseksihan ni Nadine
Nadine Lustre 6 - James super titig sa kaseksihan ni Nadine

Halo-halo reaksiyon ng mga fan nina Nadine Lustre at James Reid sa mga naglabasang mga photo na magkasama sila. Kuha ang mga photo na `yon sa shooting ng Wildest Dreams Visual Album na prodyus ng Careless Music, na kung saan ay bahagi nga si James.

Halo-halo ang reaksiyon dahil ang iba ay nagsasabing hindi na nila halos makilala si Nadine, dahil sobrang iba na ang image nito. Sa photo kasi ay halos lantad na ang katawan ni Nadine. Mas gusto raw nila ang old Nadine na simple lang.

Pero, marami rin ang nagsasabing mas bet nila ang Nadine ngayon na bongga ang confidence level, na kering-keri niyang ilabas ang personalidad na pinapantasya ng marami. Na kesyo inspirasyon nga raw si Nadine ng mga kababaihan na matagal nagtago sa lungga, na nagkaroon ng kumpiyansa sa sarili, at lumantad ang ganda.

May mga sumita naman kay James na hanggang tingin na lang kay Nadine, dahil break na nga raw ang dalawa. Na ang photo raw na `yon ay para lang sa promo.

Marami rin naman ang nagsasabi na hindi nag-break ang dalawa, kaya sobrang bantay-sarado ni James si Nadine.

Pero, marami ring mga fan ang natutuwa na lang na nakikita nilang magkasama nga sina James at Nadine. Para sa kanila, kuntento na sila na makitang okey na okey pa rin ang mga idolo nila.

Pero giit ng marami, ang mga photo na lumabas na kasama ni Nadine si James ay nasa Wildest Dreams Visual Album, kumbaga, bahagi `yon ng eksena titigan ni James ang kaseksihan ni Nadine.

Well, isa lang ang ibig sabihin nito, na sa bawat eksena nina James at Nadine, nakatutok pa rin talaga ang mga fan nila. (Dondon Sermino)

The post James super titig sa kaseksihan ni Nadine first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *