James Reid lumayas na sa Viva

May isang taga-Viva akong nakatsikahan. Kinumpirma ng taong ‘yon na wala na nga sa Viva Artists Center si James Reid.

james reid lumayas na sa viva - James Reid lumayas na sa Viva
james 9 - James Reid lumayas na sa Viva

abante anything goes jun lalin 336x224 - James Reid lumayas na sa VivaMay isang taga-Viva akong nakatsikahan. Kinumpirma ng taong ‘yon na wala na nga sa Viva Artists Center si James Reid.

Sabi ng kausap ko, nagpunta si James kasama ang tatay niya sa Viva at nagpa-“release” na raw sa talent management department ng nasabing kompanya.

“Sensitive” raw ang bagay na ‘yon, kaya hindi alam ng kausap ko kung ano ang dahilan ng pag-alis ni James sa Viva Artists Center.

Hindi rin daw nila alam kung sino na ang nagma-manager ng career ni James ngayon.
Well…

Nora, Ipe, Michael ‘di nagpasaway kay Direk Joel

Mabilis at maa-yos daw ang shooting ng “Isa Pang Bahaghari” movie nina Nora Aunor, Philip Salvador at Michael de Mesa. Siyempre, walang pasaway sa lahat ng mga artistang kasali sa cast ng pelikulang ‘yon.

Si Joel Lamangan ang direktor nila, kaya bawal ang pasaway, huh!

Lalong bawal ang nali-late sa set, kaya kung ano ang call time ng mga artista, dapat na nandoon sila!

In the past, marami na ring naging artista si Direk Joel na natalakan niya dahil sa pagiging late. Pero madalas namang sabihin ni Direk Joel na lahat ng mga natalakan niya noon ay sumikat, huh!

Saka kahit may ganoong “eksena” ay nagiging close si Direk Joel sa kanyang mga artista dahil kapag hindi naman nagti-take ay friendly siya sa mga ito!

Concert ng sikat na grupo sa Europe kanselado

May isang taga-Copenhagen, Denmark na nagpo-produce ng mga show roon ang nakatsikahan ko. Nanghihinayang siya sa isang concert tour sa Europe ng isang sikat na group na tila hindi raw matutuloy.

Sa lugar nila, wala raw problema dahil marami raw ang gustong mapanood ang nasabing group, pero hindi raw maayos ang bookings sa ibang cities.

Hindi naman daw puwedeng sa lugar lang nila mag-show ang nasabing group. Usually, tour talaga ang ginagawa kapag nagsu-show abroad dahil mas nakakabawi ang promoter at mas kikita.

Sayang! Ang dinig ko pa naman, walang kaartehan ang group na ‘yon at ok lang sa kanila kahit hindi five stars hotel ang accommodation nila, huh!
Well…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *