James proud dyowa: Nadine mapangahas, super giling, halinghing sa video

Isang milyong manonood agad ang hinakot ng ‘Wildest Dreams’ visual album ni Nadine Lustre sa YouTube channel ng Careless. Kaya naman sobrang proud ang dyowa niyang si James Reid.

The post James proud dyowa: Nadine mapangahas, super giling, halinghing sa video first appeared on Abante.

james proud dyowa nadine mapangahas super giling halinghing sa video - James proud dyowa: Nadine mapangahas, super giling, halinghing sa video
abante james reid - James proud dyowa: Nadine mapangahas, super giling, halinghing sa video

Isang milyong manonood agad ang hinakot ng ‘Wildest Dreams’ visual album ni Nadine Lustre sa YouTube channel ng Careless. Kaya naman sobrang proud ang dyowa niyang si James Reid.

Panay nga ang post ni James ng mga achievement ni Nadine o ng album niya, ha!

Mapapanood sa 30 minutong pelikula ang 12 bagong kanta ni Nadine at ang pinagtahi-tahing anim na music videos na inilalarawan ang pinagdaanan niya para kilalanin at mahalin ang sarili.

Bagong experience ang hatid ng bagong album ni Nadine lalo pa’t tampok sa mga kanta rito ang mga kakaibang tunog gaya ng recordings ng mga beach at bundok sa Pilipinas at mga katutubong instrumento.

Mapangahas na Nadine ang makikita sa Wildest Dreams. Tila isang engkantada na nang-aakit ng mga kalalakihan ang dating niya. Sobrang seksi ng mga suot niya. Maraming eksena ang paulit-ulit siyang gumigiling, at tila humahalinghing, kasabay ang paghimas ng kanyang katawan.

Ang “Wildest Dreams” visual album ay idinirek ni Dominic Bekaert ng Zoopraxi Studio. (Dondon Sermino)

The post James proud dyowa: Nadine mapangahas, super giling, halinghing sa video first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *