James, Nancy ayaw suportahan ng kampo ni Nadine

Tuloy na tuloy pa rin sa 2021 ang teleserye na The Soulmate, na bida sina James Reid at Nancy Mcdonie ng Momoland. Ang Dreamscape Entertainment ang prodyuser ng serye na ito.

The post James, Nancy ayaw suportahan ng kampo ni Nadine first appeared on Abante.

james nancy ayaw suportahan ng kampo ni nadine - James, Nancy ayaw suportahan ng kampo ni Nadine
abante james ried - James, Nancy ayaw suportahan ng kampo ni Nadine

Tuloy na tuloy pa rin sa 2021 ang teleserye na The Soulmate, na bida sina James Reid at Nancy Mcdonie ng Momoland. Ang Dreamscape Entertainment ang prodyuser ng serye na ito.

At bagamat marami ang nai-excite dahil bago nga naman ito sa panlasa, na isang Koreana naman ang katambal ng isang aktor sa Pilipinas, pero sangkatutak pa rin ang nagpoprotesta, lalo na sa kampo ni Nadine Lustre.

Hindi nga nila bet ang James-Nancy tandem. Para sa kanila, wala nang ibang babagay kay James kundi si Nadine.

“I love James and I love Nadine. I support them both individually. But this time, I’m sorry, I can’t, and I wont!” sabi ng ibang fan.

Sinisisi ng mga fan ni Nadine ang mga fan ni Nancy, dahil sa simula’t simula pa raw ay binabastos na ng mga ito ang idolo nila.

“Malala ang kabastusan ng mga fan ng Momo na yan. Hindi maganda mga ugali nila!” sabi ng isa.

Pero para sa mga fan na mahilig sa magagandang teleserye, dapat suportahan ang project na ito, na malay nga naman natin na baka ito na ang simula na magsama talaga sa mga proyekto ang mga sikat na Korean drama star at mga Pinoy na artista. (Dondon Sermino)

The post James, Nancy ayaw suportahan ng kampo ni Nadine first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *