James ayaw maka-love team si Nancy ng Momoland

Sangkatutak na mga ‘meme’ ang naglabasan sa mga photo nina James Reid at Momoland member na si Nancy. Ang mga eksena nga, tila ayaw tumingin ni James kay Nancy, dahil may magagalit nga raw, o magseselos.

james ayaw maka love team si nancy ng momoland - James ayaw maka-love team si Nancy ng Momoland
james reid 1 - James ayaw maka-love team si Nancy ng Momoland

JaDine pa rin:

Dondon Sermino Paistaran 18 336x224 - James ayaw maka-love team si Nancy ng MomolandSangkatutak na mga ‘meme’ ang naglabasan sa mga photo nina James Reid at Momoland member na si Nancy. Ang mga eksena nga, tila ayaw tumingin ni James kay Nancy, dahil may magagalit nga raw, o magseselos.

Eh si Nancy kasi, sa mga photo nila ni James, abot-tenga ang mga ngiti, at talagang parang kilig na kilig sa tabi ng dyowa ni Nadine Lustre, ha!

At siyempre, kanya-kanyang reaksyon ang mga fan. May mga hindi tanggap na bakit si Nancy pa ang ipapareha kay James, eh, matagal na nga raw nilang wish na magsama ulit ang mga idolo nila, ang JaDine.

Well, si James ay tamad-tamaran sa social media, pero dahil sa reaksyon ng mga fan, at parang ayaw talaga niyang makaramdam ng ‘selos’ si Nadine, hayun nga at nag-tweet ito agad-agad, ha!

“I’m honoured to be part of the new project ‘Soulmate’ on ABSCBN but please guys, no love team names. I’ve already got one #jadine,” sabi ni James.

Oh, ‘di ba? Tapos ang kuwento!

Anyway, ganap na ngang Kapamilya ang sikat na Korean girl group na Momoland sa pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at management company na MLD Entertainment na magkasamang mamamahala sa magiging karera ng Korean idols sa Pilipinas matapos maganap ang contract signing ng dalawang kompanya noong Biyernes (Oktubre 4).

Ayon kay Laurenti Dyogi, ang ABS-CBN Head of TV Production, isang malaking karangalan na maging parte ng ABS-CBN ang international hit makers. Marami rin daw sorpresang handog ang Momoland sa kanilang Filipino fans na hindi dapat palampasin.

“This is part of ABS-CBN’s going global. You will see Momoland in a lot of our programs, in future collaborations with our artists, and in other projects that will involve our Kapamilya stars, including Star Music and Star magic artists,” sabi ng ABS-CBN executive.

Dumalo nga sa contract signing sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president and CEO Carlo Katigbak, COO for broadcast Cory Vidanes, head of treasury Rick Tan, Star Hunt business unit head Raymund Dizon, head of ABS-CBN Music Roxy Liquigan, at MLD Entertainment official Lee Hyoungjin.

Ang Momoland ay produkto ng Korean reality-talent show na “Finding Momoland” at unang nakilala noong 2016. Sumikat sila sa kanilang hit dance craze na “Boom Boom” at “Baam” na pumatok sa iba’t ibang bansa, kabilang na ang Pilipinas. Nag-uwi na rin sila ng sari-saring pagkilala mula sa iba’t ibang award-giving bodies sa loob at labas ng Korea.

Bikay iniligtas si Juancho

Tuloy-tuloy ang tandem nina Jasmine Curtis Smith at Ruru Madrid.

Sila nga ang bida ngayon sa “Daig Kayo ng Lola Ko”, ha!

Kuwento nga ito ng isang lalaki na guwapo pero masama ang ugali, kaya pinarusahan siya at pinapangit.

Na-in love si Juancho kay Veronica, pero si Matteo ang bet ng dalaga. Nang maging Matteo na si Juancho ay nakaalis na si Veronica, at ang naabutan lang niya ay si Bikay.

At may nangyaring aksidente kay Juancho, at si Bikay ang nagligtas sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *