Jake, Shy sa Rome pakakasal

Tuloy na tuloy pa rin ang planong pagpapakasal ni Jake Zyrus sa ‘fiance’ na si Shy Aquino na isang fitness coach at registered nutritionist. Pero hanggang plano pa nga lang daw, dahil marami pang dapat ayusin.

jake shy sa rome pakakasal - Jake, Shy sa Rome pakakasal
jake 2 - Jake, Shy sa Rome pakakasal

Dondon Sermino Paistaran 5 336x224 - Jake, Shy sa Rome pakakasalTuloy na tuloy pa rin ang planong pagpapakasal ni Jake Zyrus sa ‘fiance’ na si Shy Aquino na isang fitness coach at registered nutritionist. Pero hanggang plano pa nga lang daw, dahil marami pang dapat ayusin.

“Hindi pa detalyado since hindi naman allowed dito. We’re actually thinking of Rome,” sabi ni Jake.

Bakit hindi sa Amerika na tulad ng plano nila noon?

“Since medyo naaano rin ako sa US ngayon, dahil sa nangyayari roon. We’re negotiating sa ano. Kasi ‘pag nagkaroon ka ng sariling pamilya, mag-iiba na rin. Gusto ko naman ‘pag nagkaroon kami ng sariling pamilya, may trabaho rin ako. So sa ngayon, career muna.

“Pero ‘yun nga ang gusto namin ay maayos muna. Then ‘pag nagawa na namin ‘yon sa Rome, puwede naman kami magkaroon ng seremonya rito,” saad ni Jake.

Kunsabagay, malabo ngang maikasal sila rito sa Pilipinas, lalo na at binasura na nga ng Korte Suprema ang ‘same-sex marriage’.

“I knew it na mangyayari ‘yon. Kasi parang alam ko na ang status ng mga tao sa politics natin. Alam ko na mangyayari ‘yon.

“Pero sabi ko nga, siguro dapat makuntento na muna tayo sa kung ano ang puwede sa ngayon. Kasi alam mo ‘yung feeling na habang pinu-push mo lalong binabasura, lalong inaayawan.

“Iba na kasi ang pananaw ko ngayon. Sabi ko nga, sobrang nag-light ang feeling ko ngayon.

“I have no idea kung ano ang magiging title ng mga isusulat niyo. Pero sabi ko nga, dahil Christian kasi ang fiancé ko, parang iba talaga ang pakiramdam ko ngayon. Naging unbothered ako.”

So, kasunod na rin ba sa plano nila ang pagkakaroon ng anak?

“Honestly wala kaming plano na ganu’n. Kasi sabi ko nga, sa amin nakatira ang mga anak ng tita ko ngayon. Kami ang nag-aalaga. Sabi ko nga, ang hirap pala mag-alaga ng baby.

“Iba-iba ang perspective natin. Kami kasi, ayaw namin nu’ng ganu’n, na porke nagpakasal na, dapat marami na ring restrictions.

“Gusto namin na puwede pa rin kaming mag-travel, o magpunta sa mga clubs kung gusto namin. Kumbaga, we want to be able to still enjoy kung ano ang mga ginagawa namin noon, na walang restrictions.

“Kasi nga mga bata pa naman kami ngayon.

“Ang marriage kasi para sa amin ay ‘yung commitment na para talaga kami sa isa’t isa.

“Sa ngayon hindi pa kami ready, na gusto pa naming ma-enjoy talaga ang isa’t isa,” pahayag pa ni Jake.

Eula Valdez, Cherie Gil type matikman ng transman

Nasabi nga rin ni Jake na okey sa kanya ang pasukin na rin ang pag-arte.

“Yeah, pero hindi ko alam kung may skills ako sa action (dahil tinanong siya kung type rin niyang pumasok sa teleserye ni Coco Martin, ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’). Pero ‘pag mag-a-acting ako gusto ko horror talaga, o parang psychological film. Feeling ko magagawa ko ‘yon.

“Okey sa akin ang acting. Pero priority ko ang singing.”

Sino ang gusto niyang makasama sa horror movie?

“Hindi naman ako masyadong picky. Ako pa ba ang magiging picky? Susmaryosep naman.

“Hindi ko pa alam sa ngayon, pero ang importante kasingtangkad ko. Hahahaha. Mahirap kasi ‘pag mas matangkad siya sa akin. Palagi akong nakatingala. Hahahaha!”

Okey ba na gumawa siya ng pelikula with Ice Seguerra?

“Depende sa story siyempre. Kung maganda, why not? Pero, okey ako to work with him. Basta ang priority ko horror.”

Bakit hindi mo subukan ang romance, o tipong may kissing scene? Si Ice kasi, nagawa niya ‘yon sa “Call Me Tita” with Mylene Dizon sa iWant.

“Talaga? Hindi ko alam, eh.

“Actually isa ‘yan sa mga naiisip kong gawin, to be able to work with someone na mature. I don’t know? Mas gusto ko ang mas may edad sa akin.

“Like ‘pag nagha-hang out ako, mas gusto ko na older sa akin.”

So, again, sino ang bet niyang makahalikan, makalambingan sa harap ng kamera? I’m sure nu’ng bata ka ay may ina-eye ka na talaga o tipong bet na bet mo noon.

“Nu’ng bata ako ang sobrang hinahangaan ko ay si Eula Valdez. Nu’ng bata ako ‘pag nagagalit siya umiiyak talaga ako, takot na takot ako. But at the same time, she has ‘yung parang ang feisty niya, sexy siya. Sobrang ina-admire ko talaga siya.

“Then si Cherie Gil, ‘yung mga ganu’ng aura, ang galing talaga.”

Naku, baka masampal ka ni Cherie Gil.

“Pero, si Eula Valdez na lang. Baka masampal nga ako ni Miss Cherie Gil. Baka hindi maging love story. Hahahaha!” sabi na lang ni Jake.

Zyrus mas mahusay kumanta ngayon

Anyway, nagbabalik nga si Jake sa pagkanta para ipakilala ang kanyang mas pinahusay na sarili hindi lang bilang transman kundi bilang mang-aawit sa kanyang bagong album na “Evolution.”

“‘Yung title po na ‘Evolution’ hindi lang tungkol sa transition, ‘yung evolution din sa buhay, katulad ng theme song ng bawat chapter ng buhay. Lahat connected sa buhay ko, sa boses ko, kaya po siya evolution,” paliwanag ni Jake patungkol sa kahulugan ng title ng album.

Ipinagmamalaki ng album na binuo sa ilalim ng Star Music ang iba’t ibang kanta na siguradong papaangatin ang kakaibang abilidad ni Jake na makuha ang atensyon ng mga tagapakinig.

Setyembre noong nakaraang taon nang ilabas ni Jake ang kantang “Diamond,” ang unang single sa kanyang bagong album na inilarawan niya bilang kanyang “survival anthem.” Bukod dito, dapat ding abangan ng fans ang iba pang mga orihinal na awitin sa album gaya ng “DNM,” “Love Even If,” at “Tapestry.”

Bitbit ni Jake ang bagong kumpiyansa sa sarili dahil sa mas malalim niyang boses na maririnig sa pitong awitin ng “Evolution” album. Patunay din ito na ang talento niya sa pag-awit ay hindi mawawala at lalo lang gumagaling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *