Jake Ejercito inintriga ni Jinggoy

Alam mo, Dondon (my dear editor), ‘katuwa rin ang maraming showbiz celebrity na may mga online show na rin. Hindi na rin kasi mabilang sa kanila ‘yung nag-e-enjoy sa kanilang online shows, huh!

The post Jake Ejercito inintriga ni Jinggoy first appeared on Abante.

jake ejercito inintriga ni jinggoy - Jake Ejercito inintriga ni Jinggoy
Jake Ejercito - Jake Ejercito inintriga ni Jinggoy

Jun Lalin Anything Goes 42 4 300x200 - Jake Ejercito inintriga ni JinggoyAlam mo, Dondon (my dear editor), ‘katuwa rin ang maraming showbiz celebrity na may mga online show na rin. Hindi na rin kasi mabilang sa kanila ‘yung nag-e-enjoy sa kanilang online shows, huh!

Pero kung ang iba ay kumakanta o tsika nang tsika, may iba naman na nagse-share ng kanilang blessings ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Si former Senator Jinggoy Estrada na nagsimula ng kanyang Facebook live show noong kasagsagan ng lockdown, ginawang mala-game show na ang kanyang online show.

Ginawa nga niyang “JingFlix” ‘yon at napapanood sa Facebook account niya. In fairness, napakaraming natutulungan ni Jinggoy at ng kanyang sponsors sa online show niya.

Noong isang gabi na dumalaw ako sa ”studio” ni Jinggoy sa San Juan, may isang ina na may sakit na anak na naka-confine sa isang hospital sa Makati City ang binigyan ng P10,000 na tulong.

Nakaka-feel good nga ang online show ni Jinggoy at aliw din ang mga pa-contest niya kaya ang dami ring tumututok sa kanya tuwing Monday, Wednesday, Friday at Saturday.

May portion din sa “JingFlix” na nag-iinterbyu ng mga celebrity si Jinggoy at nakakaaliw rin ‘yon. That night, si Tirso Cruz III ang ininterbyu ni Jinggoy at ok siyang talk show host, ‘noh?!

May isang episode rin si Jinggoy na ininterbyu niya ang half-brother niyang si Jake Ejercito at napakaintrigero ng former senator, huh!

Biniro ko nga si Jinggoy na daig pa niya ang ibang talk show hosts sa “pang-iintriga” at tawa lang siya nang tawa.

Anyway, mamayang gabi, bukod sa mamimigay na naman siya ng prizes at tulong sa “JingFlix” on Facebook, excited si Jinggoy dahil pagbibigyan ni Ogie Alcasid ang request niyang mainterbyu ito.

Noong isang gabi nga bago ako umalis sa “studio” ni Jinggoy ay nagpa-practice na siya ng mga itatanong kay Ogie.

Nakakaaliw nga si Jinggoy dahil talagang kina-career niya ang kanyang online show, huh!

Anjo ayaw kalabanin ang ‘Eat Bulaga’

Dumalaw rin kay Jinggoy that night ang kaibigan niyang si Anjo Yllana.

Galing daw si Anjo sa taping ng “Happy Time” ng Net25.

Sobrang dedicated si Anjo sa noontime show nila nina Janno Gibbs at Kitkat. Masaya raw si Anjo dahil marami ring napapasaya ang kanilang show.

Aminado rin ang comedian/TV host na gusto lang nilang makipagbigay ng kasiyahan at hindi naman sila directly nakikipag-compete sa iba pang noontime shows lalo na sa pinanggalingan niya na “Eat Bulaga”.

Alam mo ba, Dondon, nagulat si Anjo na updated ako sa nangyayari sa show nila. Hindi niya akalain na pati ‘yung pinagagawang mas malaking studio ng Net25 para sa “Happy Time” ay alam ko.

Naikuwento nga ni Anjo na marami pang shows na pinaplano ang Net25 kaya nakakatuwa na marami man ang nawalang mga tauhan ang ABS-CBN ay isa ang bagong home network ng comedian/TV host sa nakakapagbigay ng trabaho ngayon sa mga taga-showbiz!

Sa tsikahan nga pala namin ni Anjo ay naalala niya ‘yung mga panahon na palagi niyang nakakasama ang entertainment press dahil na rin sa manager niya noon na si Tito Douglas Quijano (SLN).

Nakaka-miss daw ang mga panahon na ‘yon at natutuwa nga raw siya kapag may mga reporter na nagge-guest sa “Happy Time” at nakikilaro sa ilang segments nila.

Well, actually, nami-miss din naman namin ni Dondon at ng iba pang entertainment press ang mga panahon na ‘yon na sobrang lapit sa amin ng mga artista.

‘Yung mga baguhan artista kasi ngayon, mabibilang mo na lang talaga ‘yung may personal connection sa entertainment press!

The post Jake Ejercito inintriga ni Jinggoy first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *