Jake, Bea ‘tukaan’ biruan lang

Tinawanan lang ako ni Jake Ejercito nang tanungin ko siya tungkol sa nasulat na muntik na silang magtukaan ni Bea Alonzo sa birthday bash ng huli.

jake bea tukaan biruan lang - Jake, Bea ‘tukaan’ biruan lang
bea x jake 1 - Jake, Bea ‘tukaan’ biruan lang

Joe Barrameda Talbog 13 336x224 - Jake, Bea ‘tukaan’ biruan langTinawanan lang ako ni Jake Ejercito nang tanungin ko siya tungkol sa nasulat na muntik na silang magtukaan ni Bea Alonzo sa birthday bash ng huli.

Sabi ni Jake, parang biruan lang daw ‘yun. Wala raw ibig sabihin ‘yun at nagkakasayahan lang daw sila nu’ng mga oras na ‘yon.

Si Jake na dating partner ni Andi Eigenmann ay kung kani-kanino nali-link ngayon.

Nu’ng ma-link nga siya kay Maine Mendoza ay katakot-takot na bash ang natanggap niya pero tinawanan lang niya ito at alam naman niya na magkaibigan lang sila noon.

Kaya sanay na sanay na si Jake na kung kani-kanino nali-link dahil marami rin naman siyang showbiz friends since he came from a showbiz family. Kaya walang kaso sa kanya ang mga isyu, noh.

John Lloyd, Rico Yan parehong mabait

Nakabalik na sa bansa si John Lloyd Cruz pero hindi pa ito nagpaparamdam. Recently ay kasama niya ang mommy niya nang bumiyahe sila pa-New York para bisitahin ang ilang kamag-anak doon. Alam ko ay nandito na sa Pilipinas naninirahan ang mga kapatid niya na dating naninirahan sa Queens sa New York.

Si Lloydie ang isa sa mga malalapit namin kaibigan sa showbiz at siya ang isa sa nagpagamot sa amin noong dinapuan ako ng Big C. Hindi ‘yan pumayag na hindi kami magpagamot at laging nakaalalay sa amin ‘yan noon para masiguro ang maayos na kalagayan namin. Kaya isa ‘yan sa mga artistang hindi ko malilimutan.

Si Rico Yan naman ay naging close rin namin noong kasikatan niya hanggang siya ay bawian ng buhay. Lagi ‘yang tumatawag sa amin kapag may isasangguning mga personal niyang desisyon sa buhay. Dapat nga ay mag-uusap ulit kami pagkagaling niya ng Palawan pero ‘yun nga, hindi na siya nakabalik nang buhay.

Tuwang-tuwa sa akin ang mama niya noon dahil tuwing down ‘yan ay ako lang daw ang nagpapasaya sa anak niya. Ganyan kami ka-close ni Rico noon at kaya madalas ko siyang maalala.

Sooner or later ay magkikita kaming muli…

Sunshine, Sheryl totohanan ang salpukan

Talaga namang kaabang-abang ang “Magkaagaw” nina Jeric Gonzales at Klea Pineda. Magkasama sina Jeric at Klea noong “Ika-5 Utos” pero hindi sila naging close unlike ngayon na sila ang madalas magkasama.

Sa “Magkaagaw” ay usap-usapan ngayon ang muling pagsasalpukan ng dalawa sa pinakamahuhusay at kinikilalang aktres sa telebisyon na sina Sheryl Cruz at Sunshine Dizon. Excited at blessed daw ang dalawa sa kanilang 3rd project together matapos magsama sa “Bakekang” at “Strawberry Lane”.

Say pa nina Sheryl at Sunshine, dapat daw tutukan ng mga manonood ang kanilang mga character sa pinakabago nilang teleserye dahil intense at sagad ang confrontation scenes sa pagitan nilang dalawa. Ang balita pa nga ay binigyan daw ng choice ng kanilang direktor na si Direk Gil Tejada Jr. ang dalawa to fake their sampalan scenes pero game na game sina Sheryl at Sunshine na bigyan ng makatotohanang eksena ang mga viewer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *