JaDine video panalo: SB19 humakot ng parangal sa MYX Music Awards

Bongga talaga ng SB19, ha! Hayun nga at waging-wagi sila sa kataapos lang na MYX Music Awards nitong Sabado ng gabi. Imagine, dalawang major awards, pati na New Artist of the Year, ang nakopo nila.

jadine video panalo sb19 humakot ng parangal sa myx music awards - JaDine video panalo: SB19 humakot ng parangal sa MYX Music Awards
jadine - JaDine video panalo: SB19 humakot ng parangal sa MYX Music Awards

Dondon Sermino Paistaran 1 1 300x200 - JaDine video panalo: SB19 humakot ng parangal sa MYX Music AwardsBongga talaga ng SB19, ha! Hayun nga at waging-wagi sila sa kataapos lang na MYX Music Awards nitong Sabado ng gabi. Imagine, dalawang major awards, pati na New Artist of the Year, ang nakopo nila.

Anyway, dahil sa COVID-19, kakaiba nga ang ginanap na awards night, dahil bukod sa virtual lang ang eksena, sa YouTube, Twitter, at TikTok nga lang ito napanood.

Bawal nga kasi ang mass gathering, kaya hindi puwedeng ipilit ang ganitong okasyon.

Pero ganun pa man, sulit pa rin ang lahat. Lalo na ang tribute para kay OPM legend Francis Magalona.

Siyanga pala, ang SB19 ang humamig ng award na Song of the Year para sa kanta nilang “Go Up”, at pati na rin Artist of the Year.

Saksi kami sa pag-unlad ng SB19. Una silang ipinakilala sa media noong 2018 sa isang hotel sa Quezon City. At ilang buwan ang nakalipas, muli silang inilunsad sa isang hotel sa Cubao, at ibang-iba na nga sila.

Marami na silang fan na sumusunod, at tumitili sa kanila. At kahit sa itsura ay nag-iba na rin sila.

“Ligo lang po ang sikreto,” biro pa nina Sejun, Josh, Stell, Ken, at Justin.

“Baguhan lang po talaga kami sa industry. Basta ang masasabi ko lang po is maraming, maraming salamat sa mga sumuporta sa amin,” sambit ni Sejun.

Wagi nga rin pala sina James Reid at Nadine Lustre para sa music video nilang “Summer”.

Narito ang iba pang mga nagsipawagi:

Artist of the Year: SB19

Music Video of the Year: “Summer” – James Reid and Nadine Lustre

Song of the Year: “Go Up” – SB19

New Artist of the Year: SB19

Rock Video of the Year: “Come Inside of My Heart” – IV of Spades

Urban Video of the Year: “Fiend” – James Reid feat. Just Hush

Mellow Video of the Year: “Mabagal” – Daniel Padilla and Moira dela Torre

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *