JaDine magkasama sa b-day: Nanay nina James, Nadine ‘balae’ ang tawagan

Spotted na magkasama sina James Reid at Nadine Lustre sa birthday ng ina ng aktor, singer. Siyempre, kilig na kilig ang mga fan, dahil magkasama nga na sinurpresa ng JaDine ang nanay ni James.

The post JaDine magkasama sa b-day: Nanay nina James, Nadine ‘balae’ ang tawagan first appeared on Abante.

jadine magkasama sa b day nanay nina james nadine balae ang tawagan - JaDine magkasama sa b-day: Nanay nina James, Nadine ‘balae’ ang tawagan
nadine and james - JaDine magkasama sa b-day: Nanay nina James, Nadine ‘balae’ ang tawagan

dondon sermino 6 - JaDine magkasama sa b-day: Nanay nina James, Nadine ‘balae’ ang tawaganSpotted na magkasama sina James Reid at Nadine Lustre sa birthday ng ina ng aktor, singer. Siyempre, kilig na kilig ang mga fan, dahil magkasama nga na sinurpresa ng JaDine ang nanay ni James.

“Thank you James and Nadz for the surprise!!!” sabi ni Mrs. Marcela Macdonald sa cake na dala ng dalawa.

“Thank you Nadz for the cake and James also for the flower. It was iindeed a big surprise for me!” say pa nito ulit.

Sa Instagram account naman ni Chantal (nakababatang kapatid umano ni James sa ina), makikita rin ang naturang photo na may mensahe niyang, “A day full of surrises for Mum. Thanks to both of you.”

“My 54th birthday was been indeed at blast of surprises that made not only me but the whole world cloud 9 happier. Thank you so much Chanty, and James, and Nadz for the love. I am truly blessed… love you 3,” mababasa pa rin sa Facebook ni Marcela, na kung saan makikita ang mga larawan niya.

Sa FB rin ay makikita na pinasalamatan ni Marcela si Myraquel Paguia Lustre sa regalo nito, na ang tawag niya ay ‘my balae’.

Richard desididong wasakin sina Coco, Yassi

Mapapanood na ng mga Pilipino sa buong mundo ang mga bagong pagsubok na susuungin ni Cardo sa “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil ipapalabas na rin ang bago nitong episodes simula ngayong Lunes (Agosto 31) sa cable at satellite TV at sa iba’t ibang online platforms ng ABS-CBN.

Sa patuloy na pagtatago niya mula sa mga awtoridad, haharapin na ni Cardo (Coco Martin) ang pinakamalaking dagok sa pagsasama nila ni Alyana (Yassi Pressman) – ang kababata nitong si Lito (Richard Gutierrez).

Sa bagong episodes, magsisimula nang matrabaho sina Cardo at ang Task Force Aguila sa hotel at rancho na pagmamay-ari ni Lito. Magsisipag naman ang mga ito para masuklian ang kabutihan ni Lito na siyang nag-alok ng tulong at kabuhayan sa kanila.

Dito naman ilalatag ni Lito ang susunod niyang patibong sa mag-asawa dahil aalukin niya si Alyana na magtrabaho bilang executive assistant upang muling mapalapit dito.

Kasinungalingan naman ang susubuking malusutan nina Lily (Lorna Tolentino) at Arturo (Tirso Cruz III) dahil isasalang na nila ang impostor na si Mariano sa isang press conference para magpanggap na si Presidente Hidalgo. Hangga’t may pangulong naipapakita sa publiko, hawak ni Lily ang kapangyarihan sa bansa para maisagawa ang plano niyang magpayaman.

Mapapanood ang bagong episodes ng “FPJ’s Ang Probinsyano” mula Lunes hanggang Biyernes, 8 PM sa CineMo at sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

Para naman sa mga gustong manood online, libre itong masusubaybayan sa parehong timeslot sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Simula Setyembre 1, mapapanood na ang “FPJ’s Ang Probinsyano” sa bagong streaming service na iWant TFC. Isa sa mga ihahandog nitong serbisyo ay ang pagpapalabas ng bagong episodes ng mga Kapamilya teleserye 48 oras bago sila umere sa kahit anong ABS-CBN platform or channel. Kailangan lamang gumawa ng bagong account ng lahat ng kasalukuyang users ng iWant sa Pilipinas sa iwanttfc.com o mag-download ng bagong app sa Google Play o App Store at mag-subscribe sa standard o premium subscription plan.

The post JaDine magkasama sa b-day: Nanay nina James, Nadine ‘balae’ ang tawagan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *