JaDine buwag na

Kumalas na nga si James Reid bilang contract star ng Viva Films at Viva Artists Agency.

jadine buwag na - JaDine buwag na
abante jadine - JaDine buwag na

abante i know better jun nardo 1 336x224 - JaDine buwag na

Kumalas na nga si James Reid bilang contract star ng Viva Films at Viva Artists Agency.

Sa totoo lang, Viva Films ang gumawa kay James ­dahil kahit nanalo siya noon sa Pinoy Big Brother Teen Edition eh never siyang­ nabigyan ng ­malaking break sa showbiz. Lalong kuminang ang pangalan niya nang maka-love team si Nadine Lustre. Nama­yagpag siya sa TV, movies, recording­ at concert scene.

‘Yun nga lang, mas komportable si James sa pagkanta kesa sa pag-arte. Doon siya magko-concentrate ngayon ayon sa report­.

‘Yun nga lang, kailangan­ pa rin ni James ang Viva Films at Viva Artists Agency kung gusto niyang tumagal pa ang kanyang showbiz career.­

Eh pagdating sa pag-build up ng mga artista, magaling ang Viva sa pag-build up ng singer bago dalhin sa TV at pelikula. Ganyan ang naging career pattern nina Sharon Cuneta at Sarah Geronimo na patok na sa music, patok­ pa rin sa ­movies, huh!

Eh si Nadine nga, singer muna bago isilang sa pelikula at TV at tagumpay siya sa dalawang larangang ito! Ganyan din ang ginawa ng Viva sa career ni James kahit hindi niya talaga ang forte ang umarte. Naging successful naman ang Viva.

Naku ma-maintain kaya ni James ang ­status ng career niya ngayon, huh! Eh dahil contract star si Nadine ng Viva, lumalabas na mas malabo na silang magsama sa movie ngayon.

Aiko gustong makasama sa project si Marian

Nagalak si Aiko Melendez nang mag-post si Marian Rivera sa kanyang social ­media account­ kaugnay ng pagsisimula ng Kapuso series­ ni Aiko Melendez na Prima Donnas kahapon.

“Tingnan nyo kung gaano ka sweet si ­ganda ­­@­marianrivera­. Salamat sa pag promote ng show namin. It means so much to me. I love YOU!!!

“Paging @gmanetwork @gmapnoytv show naman diyan with Marian,” shout out ni Aiko sa Face Book page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *