Jaclyn may madugong hamon kay Daniel Padilla

Si Daniel Padilla ang gusto ni Jaclyn Jose na idirehe sa pelikula. At hindi romcom o drama ang genre na gustong idirek ni Jaclyn kundi isang madugong action film, na si Daniel nga ang bida.

The post Jaclyn may madugong hamon kay Daniel Padilla appeared first on Abante News Online.

jaclyn may madugong hamon kay daniel padilla - Jaclyn may madugong hamon kay Daniel Padilla
ABANTE jac dan - Jaclyn may madugong hamon kay Daniel Padilla

Si Daniel Padilla ang gusto ni Jaclyn Jose na idirehe sa pelikula. At hindi romcom o drama ang genre na gustong idirek ni Jaclyn kundi isang madugong action film, na si Daniel nga ang bida.

Sabi ni Jaclyn sa interview ng “Abantelliling” sa kanya, magiging kakaiba raw ito dahil babae ang magdidirehe ng action film project. Pumasok sa isip ni Jaclyn na subukang magdirek dahil parang nagawa na niya ang lahat sa acting.

Naibigay na raw niya ang lahat sa pag-arte, at nais naman niyang mag-venture sa ibang artistry, at ito nga ay ang film directing. Hindi na kailangang kumuha ng crash course ni Jaclyn sa filmmaking, dahil sapat na ang kanyang karanasan bilang artista.

Sa pag-oobserba niya sa bawat direktor na nakakasama niya at sa iba pang technical aspect ng production, daig pa raw niya ang nag-aral ng filmmaking.

Ang problema lang ni Jaclyn ay ang haharaping stress sa pagdidirek. Hindi raw siya sigurado kung kakayanin niyang ma-pressure lalo at mas sanay siyang relax lang sa shooting o taping bilang artista.

Samantala, “Circa” ang title ng pelikula ni Jaclyn sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019. Kasama niya rito sina Anita Linda at Elizabeth Oropesa. (Rey Pumaloy)

The post Jaclyn may madugong hamon kay Daniel Padilla appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *