Jaclyn Jose naghahanap ng dyowa

Anim na taon na pala si Jaclyn Jose sa GMA-7 at wala naman daw siyang reklamo. Alagang-alaga raw siya ng Kapuso Network, na lahat daw ng request niya ay pinagbibigyan.

The post Jaclyn Jose naghahanap ng dyowa appeared first on Abante News Online.

jaclyn jose naghahanap ng dyowa - Jaclyn Jose naghahanap ng dyowa
jck - Jaclyn Jose naghahanap ng dyowa

JOE BARRAMEDA

abante talbog joe barrameda 336x224 - Jaclyn Jose naghahanap ng dyowaAnim na taon na pala si Jaclyn Jose sa GMA-7 at wala naman daw siyang reklamo. Alagang-alaga raw siya ng Kapuso Network, na lahat daw ng request niya ay pinagbibigyan.

Ngayon ay may bago na naman siyang project na “The Better Woman.” Siya nga ang nanay ng kambal sa katauhan ni Andrea Torres. Ayon kay Jaclyn ay ang laki-laki ng improvement ni Andrea pagdating sa akting.

Ilang beses na raw niyang nakatrabaho si Andrea at true to her form ay nagawa niyang mag-improve sa craft niya. Ganoon din si Derek Ramsay na lead actor sa “The Better Woman.”

Sa edad ni Jaclyn ay umaasa pa rin siya na magka-love life. Natatakot siya na nagkakaedad na ang bunso niya na gusto ring mag-artista. Baka raw siya iwanan nito in the future.

Si Andi Eigenmann naman ay namumuhay kasama ang partner sa Siargao at anytime ay manganganak na. Wala naman daw nagpaparamdam sa kanyang mga lalaki. Siguro raw ay dahil mataba siya.

BiGuel takot kay Coco

Mixed reaction ang nararamdaman nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa bagong slot ng “Sahaya” na katapat na nga ng “Ang Probinsyano” ni Coco Martin. Sanay na kasi sila sa second slot na marami ang sumusubaybay at maganda ang rating.

May halong takot, pero wish nila na sundan ng mga manonood ang kanilang bagong slot lalo na ngayon ay maraming pasabog ang teleserye. Bawat episode ay kapana-panabik dahil sa mga nangyayari.

Ang maganda pa ay hindi nagpapatalbog si Migo Adecer na baliw na baliw kay Sahaya to the point na sinusuway niya ang ama at pinapanigan ang mga kalaban sa Tawi-Tawi. Ano kaya ang kahihinatnan nu’n?

The post Jaclyn Jose naghahanap ng dyowa appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *