Jaclyn ayaw makipagtalakan sa mga ma-ere na artista

More than 35 years na si Jaclyn Jose sa showbiz at thankful ito na nabibigyan pa siya ng magagandang roles sa TV at pelikula.

The post Jaclyn ayaw makipagtalakan sa mga ma-ere na artista appeared first on Abante News Online.

jaclyn ayaw makipagtalakan sa mga ma ere na artista - Jaclyn ayaw makipagtalakan sa mga ma-ere na artista
ABANTEkac - Jaclyn ayaw makipagtalakan sa mga ma-ere na artista

More than 35 years na si Jaclyn Jose sa showbiz at thankful ito na nabibigyan pa siya ng magagandang roles sa TV at pelikula.

Simula raw noong nadiskubre siya in 1984 sa pelikulang “Chikas”, hindi na raw siya tumigil sa pag-arte at nabigyan pa siya ng pagkakataon na makatrabaho ang mga mahuhusay na direktor na nagbigay sa kanya ng mga acting award.

“I’ve worked with so many actors sa mga nagdaang taon, merong mababait, may mga salbahe, may mayayabang at may mga humble. Malalaman mo naman sa personality ng bawat nakakatrabaho mo kung magtatagal din ba sila o hindi,” diin pa ni Jaclyn na kasama sa GMA primetime teleserye na “The Better Woman.”

Iritada nga si Jaclyn sa mga mayayabang at salbaheng artista, pero hindi naman siya umaabot sa punto na nakikipagtalakan siya sa mga ito.

Pinag-iisipan na rin daw ni Jaclyn ang pasukin ang pagdidirek sa TV o pelikula. Sa kanyang experience bilang aktres, marami na ang kanyang alam bukod pa sa nakatrabaho niya ang halos lahat ng mga mahuhusay na direktor tulad nila Lino Brocka, Ishmael Bernal, Danny Zialcita, Marilou Diaz-Abaya, Maryo J. Delos Reyes, Chito Rono, William Pascual, Emmanuel Borlaza, Jose Javier Reyes, Lupita Kashiwahara, Joel Lamangan, Jeffrey Jeturian, Gil Portes, Nick Deocampo, Behn Cervantes, Peque Gallaga and Lore Reyes, Raymond Red, Mel Chionglo, Carlitos Siguion-Reyna, Brillante Mendoza, Adolf Alix Jr., Yam Laranas at Eddie Garcia.

“Pumapasok din sa isipan ko ‘yan. Bakit naman hindi rin, ‘di ba? Bilang artista, parang nagawa ko na lahat. Maybe it’s time na subukan ko naman ang ibang trabaho. (Ruel Mendoza)

The post Jaclyn ayaw makipagtalakan sa mga ma-ere na artista appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *