Jackpot si Gerald: Julia ‘binasted’ si Marco

Iba rin ang paandar ni Julia Barretto sa kanyang YouTube channel, ha! Si Marco Gumabao nga ang guest niya, at ‘drink and spill’ ang tema nila.

The post Jackpot si Gerald: Julia ‘binasted’ si Marco first appeared on Abante.

jackpot si gerald julia binasted si marco - Jackpot si Gerald: Julia ‘binasted’ si Marco
Gerald x Julia x Marco - Jackpot si Gerald: Julia ‘binasted’ si Marco

Iba rin ang paandar ni Julia Barretto sa kanyang YouTube channel, ha! Si Marco Gumabao nga ang guest niya, at ‘drink and spill’ ang tema nila.

Tipong nagtatanong-sagot sila, at sinusundan ng inom ng tequila.

Tinanong nga ni Julia si Marco kung na-attract ito sa kanya noon.

“Kapal naman ng mukha nito! My God! Seryoso ka ba, tinatanong mo `yan?” reaksiyon ni Marco kay Julia.

Pero siyempre, umamin din siya na…

“Oo naman! Hahahaha! Alam na alam ni Julia `yan. Siya ang nag-prepare ng questions dito,” saad niya.

Inamin ni Marco na nanligaw talaga siya kay Julia noon.

“Before kasi minimum 3 times a week magkakasama kami. Siyempre mahihirapan kang hindi ma-attract sa kaibigan mo. Pero thankful din ako na we stayed as friends, dahil solid talagang kaibigan si Julia.

“Minalas siya kasi hindi niya ako sinagot! Hahahahaha!” pabulong na sabi ni Marco.

“Oh, my God!” tili naman ni Julia.

“Siyempre dumaan ako sa phase na I like Julia. Mga 19 siya, ako 21 noon. Pero, wala talaga.

“Heartbroken siya noong time na niligawan ko siya. Wrong timing!” say pa ni Marco.

Well, jackpot nga si Gerald Anderson kung totoo nga na magdyowa sila ngayon, dahil ang dami palang binasted si Julia, ha! Imagine, Marco Gumabao na `yan, binasted pa?

Well… (Dondon Sermino)

The post Jackpot si Gerald: Julia ‘binasted’ si Marco first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *