Iza palaban sa lampungan kay Jameson

Hindi lang pala role ni Iza Calzado sa Kapamilya teleserye na “Ang Sa Iyo Ay Akin” ang pasabog niya ngayong taon dahil sa bagong digital series niya, isang sexy older woman ang peg niya na involved sa May-December love affair.

The post Iza palaban sa lampungan kay Jameson first appeared on Abante.

iza palaban sa lampungan kay jameson - Iza palaban sa lampungan kay Jameson
Iza x Jameson - Iza palaban sa lampungan kay Jameson

Hindi lang pala role ni Iza Calzado sa Kapamilya teleserye na “Ang Sa Iyo Ay Akin” ang pasabog niya ngayong taon dahil sa bagong digital series niya, isang sexy older woman ang peg niya na involved sa May-December love affair.

May bago kasi siyang proyekto na “Loving Emily,” isang iWant TFC original series na ipapalabas na sa Nobyembre 18.

Sa teaser na ini-release kamakailan lang, makikita si Iza na kalandian ang mas batang aktor sa kanya na si Jameson Blake na mukhang game na game rin sa halikan.

May intimate scenes din ang dalawa, kaya marami tuloy ang excited kung kasing hot ba ito ng May-December love stories na pinagbidahan din nina Angel Aquino at Mylene Dizon.

Mukhang mabigat ang pagdadaanan ng karakter ni Iza sa “Loving Emily” kaya isa na namang challenging role ito para sa kanya katulad lamang ng karakter niyang si Ellice sa “Ang Sa Iyo Ay Akin.”

Siyempre, nakaka-excite ring makita ang aktingan nila sa series ni Jameson, na marupok din ang role sa boys’ love movie na “My Lockdown Romance” ng Star Cinema. Mapapanood na ito for P150 sa KTX.ph (ktx.ph), iWant TFC, Cignal PPV, at Sky Cable PPV ngayong November 13. (Dondon Sermino)

The post Iza palaban sa lampungan kay Jameson first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *