Iza ikinuwento karanasan sa ex

Parehong sinabi nina Iza Calzado at Joem Bascon sa online gap show ng “Ang Sa Iyo Ay Akin” na “Unscripted” na open silang pag-usapan ang kanilang mga nakaraan sa kani-kanilang mga kasalukuyang partner.

The post Iza ikinuwento karanasan sa ex first appeared on Abante.

iza ikinuwento karanasan sa ex - Iza ikinuwento karanasan sa ex
Iza Calzado 1 - Iza ikinuwento karanasan sa ex

Parehong sinabi nina Iza Calzado at Joem Bascon sa online gap show ng “Ang Sa Iyo Ay Akin” na “Unscripted” na open silang pag-usapan ang kanilang mga nakaraan sa kani-kanilang mga kasalukuyang partner.

Topic kasi nila sa naturang gap show ang mga nangyari sa past lalo na at mula sa nakaraan ni Ellice (Iza) ang karakter na ginagampanan ni Joem na si Francis. Natanong tuloy ang dalawa kung sila ba ay open sa mga naging karelasyon nila tungkol sa kanilang mga nakaraan.

“If I’m in a relationship with somebody, sinasabi ko talaga kung ano pinagdaanan ko. Kasi ako I’ve also been in long-term relationships and most of them are still my friends to this day, so hindi ko pwede i-erase iyon o itago. Hindi ako ganun,” sabi ni Iza.

Ayon naman kay Joem, “May times kayo as couples na pinag-uusapan ninyo ‘yun at nauungkat naman talaga siya. Better na maging honest as possible. Maging open about it para hindi siya maging awkward, ‘di ba? Hindi ‘yung kapag nagkakitaan sa labas, hindi na awkward in between sa inyong dalawa as a couple. Ako, naging open ako when it comes to it.”

Naging malalim at personal nga ang balitaktakan nila sa “Unscripted” kaya naman natuwa ang parehong stars na napapanood ito ng viewers bukod pa sa mismong mga eksena sa teleserye nila.

Para sa direktor naman ng palabas na si Direk FM Reyes, mas napag-uusapan nila sa “Unscripted” ang mga aral na nakukuha mula sa teleserye at hindi lang ang mga trending na eksena nito.

Napapanood ang ‘Unscripted’ tuwing Lunes at Biyernes sa gaps ng ‘Ang Sa Iyo Akin’ kapag ipinalapalabas ito sa Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook page ng ABS-CBN. (Dondon Sermino)

The post Iza ikinuwento karanasan sa ex first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *