Iya binantaang buntisin ni Drew

Napipintong mabuntis uli si Iya Villania, dahil gigil na naman sa kanya si Drew Arellano. Nakaposte sa Instagram ni Drew ang photo ni Iya na bukod sa ganda nito sa maiksing buhok, lantad din ang kaseksihan nito, kaya naman kumulo ang dugo ng kanyang mister.

The post Iya binantaang buntisin ni Drew first appeared on Abante.

iya binantaang buntisin ni drew - Iya binantaang buntisin ni Drew
Iya Villania - Iya binantaang buntisin ni Drew

Napipintong mabuntis uli si Iya Villania, dahil gigil na naman sa kanya si Drew Arellano. Nakaposte sa Instagram ni Drew ang photo ni Iya na bukod sa ganda nito sa maiksing buhok, lantad din ang kaseksihan nito, kaya naman kumulo ang dugo ng kanyang mister.

Hindi naiwasan ni Drew na masabik sa asawa at idaan sa mensahe sa IG ang pagbabanta nitong buntisin uli si Iya.

“Guys hinahamon talaga ako nito e. Nang-aano si Mrs. eh! Nak ng! Ano?!! Ano??? Isa pang anak?? Ano.!? Kainis eh! #rawr,” sabi ni Drew.

Naaliw ang mga follower ni Drew sa pagnanasa nito sa asawa.

***

Xian naglagay ng elevator sa bahay

Labis-labis ang pagmamahal ni Xian Lim sa kanyang lola, kaya nagpagawa siya ng elevator sa bahay niya para hindi mapagod ang matanda sa pag-akyat, pagbaba.

Nakaposte sa Instagram ni Xian ang video na nagpapakita ng elevator na sinakyan ng kanyang lola. Nasa itaas daw ng bahay ang kuwarto ng lola ni Xian, at dahil gusto nitong binibisita ang kanyang mga cross-stitch kaya bumababa ito.

At perfect nga ang naisip na solusyon ni Xian para sa kanyang lola.

***

Inigo ka-level ni Bieber, Gaga sa Indonesia

Lumi-level na si Inigo Pascual kina Justin Bieber, Lady Gaga, Ariana Grande, at pati na sa Blackpink. Kabilang si Inigo, pati na ang kanta niyang ‘Always’ sa mga nangunguna sa music charts sa Indonesia ngayon.

Pinoste ng Star Records head na si Roxy Liquigan ang newsfeed ng Indonesia tungkol sa mga international song na nag-top sa naturang charts.

At nakahilera nga ni Inigo sa listahan ang mga nabanggit na international artist.

***

Jackie malungkot, iiwan uli sina Kobe, Andre

Sakmal ng lungkot ngayon si Jackie Forster dahil muli siyang mapapalayo sa dalawa niyang anak na binata, sina Andre at Kobe Paras.

Nakaposte sa Instagram ni Jackie ang mga larawan ng mga nakabalot na mga kagamitan sa bahay. Malinaw sa mga photo na lilipat ng tirahan sina Jackie.

Hindi sinabi ni Jackie kung saan sila lilipat pero base sa mensahe niya na pati sasakyan nila ay ibinenta niya, kaya tila sa ibang bansa sila muli maninirahan.

Anyway, naniniwala si Jackie na kaloob ng Diyos ang panibagong buhay na tatahakin nila sa muli nilang paglipat.

The post Iya binantaang buntisin ni Drew first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *