Ivana umayaw sa ‘Ligaya’

Kumpirmado na ngang hindi na si Ivana Alawi ang gaganap sa Ang lihim ni Ligaya. Supposedly, launching sana ito ni Ivana kunsaan siya na ang bida.

The post Ivana umayaw sa ‘Ligaya’ first appeared on Abante.

ivana umayaw sa ligaya - Ivana umayaw sa ‘Ligaya’
abante ivana - Ivana umayaw sa ‘Ligaya’

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Ivana umayaw sa ‘Ligaya’Kumpirmado na ngang hindi na si Ivana Alawi ang gaganap sa Ang lihim ni Ligaya. Supposedly, launching sana ito ni Ivana kunsaan siya na ang bida.

Excited si Ivana rito na sana magsisimula na ng taping kung hindi dahil sa pandemic. Pero tinimbang daw ni Ivana talaga ang pros and cons kung sakali nga at magte-taping siya.

Hindi raw kaya ni Ivana ang matagal na lock in taping at pagkatapos, yung feeling na baka may maiuwi siyang virus sa pamilya niya. Very close si Ivana sa ina at mga kapatid, lalo na si Mona Louise Rey na bata pa lang ay diabetic na. Very protective si Ivana sa kapatid niyang ito.

Hindi rin daw naging madali kay Ivana na i-give-up ang serye na ang title na yata ngayon ay Magdalena at ang pumalit na nga kay Ivana ay si Erich Gonzales.

Magsisimula na rin itong mag-taping at kasama pa rin sa cast ang actress na si Janice de Belen, Agot Isidro at balitang si JC de Vera ang magiging leading man ni Erich.

Tinanong namin na baka dahil milyones naman na ang kinikita ni Ivana sa pagiging Top YouTuber niya kaya keri na nitong tumanggi sa serye. Sey ng source namin, hindi naman daw. Gusto pa rin naman daw ni Ivana na lumabas sa telebisyon.

May mga offers din daw kay Ivana na movies kahit pa may pandemya. Pero tulad ng serye, pinag-aaralan pa rin daw kung kaya nga nitong gawin under the present situation.

Aba kung hindi, ‘di malayong hangga’t may COVID-19, puro YouTube muna siya mapapanood.

Paolo bumanat sa mga bastos na netizen

Positibo ang mga response sa ginawang video content ni Paolo Contis na napapanood sa Facebook at sa YouTube account niya.

Ni-released lang ito may apat na araw ang nakararaan, pero marami na ang nagre-request na sana raw ay gawan ng part 2 ang “Ang Pangarap Kong Soc App” (A social media toxity assessment discourse.

Obviously, nabuo ito ngayong may pandemic kunsaan, halos lahat ay nasa social media at aminin man o hindi, ang daming toxic na netizens. Hinimay-himay ni Paolo ang mga ganap sa social media at kung paano, nagiging “barbaric” na nga raw ang iba.

Si Paolo mismo ay biktima ng mga toxic netizens at aminadong hindi maiwasang maging “patola” minsan, pero ngayon daw, unti-unti, natututo siyang mamili na rin ng papatulan niya kung meron man.

Malaking tulong daw si LJ Reyes na nakakapag-remind sa kanya kung tama o hindi ang nagiging reaction niya sa kanyang social media account. Ibang usapan na nga naman nang mismong ang wala pang 2 year old na anak na si Summer e, ma-bash na.

Sey nga niya, “Baby yun, e, hindi ko lang maintindihan, anong nangyayari o nasa isip niya na umabot na sa ganun ( ang bina-bash).

Nag-shoot si Paolo sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila na makikita naman sa kanyang more than 8 minutes video. At doon din daw niya na-realized na napakaraming magandang lugar sa Manila na lang mismo na hindi na naa-appreciate ngayon dahil lahat, nakatutok sa cellphone o gadgets.

Ang aim raw niya at ng director ng video na si Direk Eboy Vinarao at the same time, one of the youngest C.E.O. ngayon under his newly established A V-Roll Media Ventures Production ay makita pa rin ang “respect” ng mga netizens o online users.

Sa isang banda, mukhang napapangatawan ni Paolo ang interes ng netizens sa kanya online from being so-called, “Ph’s King of Netflix” heto’t sa social media naman siya ngayon mamamayagpag.

The post Ivana umayaw sa ‘Ligaya’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *