Ivana tinupad ang tulong kay Lloyd Cadena

Sa unang pagkakataon ay nagsalita sa pamamagitan ng kanyang vlog sa YouTube ang ina ng namayapang vlogger na si Lloyd Cafe Cadena na kung tawagin ay Mother Kween.

The post Ivana tinupad ang tulong kay Lloyd Cadena first appeared on Abante.

ivana tinupad ang tulong kay lloyd cadena - Ivana tinupad ang tulong kay Lloyd Cadena
Ivana Alawi - Ivana tinupad ang tulong kay Lloyd Cadena

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Ivana tinupad ang tulong kay Lloyd CadenaSa unang pagkakataon ay nagsalita sa pamamagitan ng kanyang vlog sa YouTube ang ina ng namayapang vlogger na si Lloyd Cafe Cadena na kung tawagin ay Mother Kween.

Kinondena nito ang mga gumagamit ng pangalan niya at nagpapanggap na siya. May mga gumawa ng vlog at nauna pa raw na nagbigay ng pahayag kesa sa kanya. Kaya nilinaw nitong mula sa biglaang pagpanaw ng anak, ngayon pa lang siya magsasalitang talaga.

Sinabi niyang masakit sa kanila ang nangyari at hindi pa nila talaga lubusang natatanggap ang pangyayari. Pero, alam daw niyang hiram lang niya ang buhay ng anak.

Pinasalaman nito ang mga kapwa ni vloggers ni Lloyd, ang mga fan ng anak, ang mga kaibigan. Sinabi rin na ‘wag mag-alala ang lahat dahil wala sa kanilang pamilya ang nag-positibo pa sa COVID-19 pero, desisyon nila na huwag tumanggap ng kahit sinong bisita for their safety and others too.

Kapansin-pansin naman na halos sa umpisa pa lang ng vlog niya, todo na ang pasasalamat ng ina ni Lloyd sa actress/vlogger na si Ivana Alawi. Tila sobra itong na-touched sa ginawa ni Ivana nag-vlog content para sa anak. Tinupad ang wish ni Lloyd na maging bus washer siya. At nagpasalamat din ang ina ni Lloyd dahil sa particular YouTube content na yun ni Ivana, lahat ng kinita sa ads ay dinonate niya sa pamilyang naiwan.

Sabi ni Mother Kween, “Maraming-maraming salamat sa ginawa mo. Napakabuti mo at napakalaking tulong nito sa amin.”

Itutuloy-tuloy pa rin daw ng ina ni Lloyd na ngayon ay may mahigit 1 million followers na at iba-vlog lahat ng development sa naiwang bahay ng anak.

***

Glaiza sa Baler gustong tumanda

Nakausap namin ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro sa direct messaging. Nakakatuwa ito dahil mahigit kalahating taon na naninirahan sa Baler.

Simula pa lang ng enhanced community quarantine sa Metro Manila ay nasa Baler na ito. Nakasama pang na-lockdown ang boyfriend niya na nakabalik na rin ng America, Pero si Glaiza nag-stay na sa Baler.

Makikitang tanned na ang color niya na bumagay naman sa kanya at kitang-kita sa mga video at posting niya ang napakasayang aura niya.

Sigurado kami, marami sa ibang artista ang posibleng naiinggit kay Glaiza dahil ang ginagawa niya ngayon ay isang luxury na. Yung malayo ka sa city ng mahigit anim na buwan ay hindi basta-basta naa-achieved.

Pag-amin naman ni Glaiza, “Sa totoo lang after spending more time here in Baler, ‘di ko na makita sarili ko na maninirahan pa ng long term sa City.

“Na-realized o na ito yung lifestyle talaga na gusto ko. Nakakapag-work naman at kahit paano, pero siguro once na mag-start taping, ayun na lang yung reason ng pagbabalik ko doon.”

***

Marian balik trabaho na

Mapapanood na ngayong araw ng Sabado ang fresh episode ng Tadhana. Ito ang isang show ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na tuloy-tuloy pa rin siya.

Convenient kay Marian ang pagsu-shoot ng Tadhana dahil sa set-up na work from home. Siya ang host at ang Mister na si Dingdong Dantes naman ang nagsisilbing director muna niya. Kaya ang ganda ng tandem ng dalawa.

May adjustment din naman daw sa part ni Marian ang pagtatrabaho niya sa bahay.

Nagpapasalamat si Marian sa team ng Tadhana na naiintindihan ang desisyon niya na hindi muna niya talaga kayang magtrabaho outside their home.

The post Ivana tinupad ang tulong kay Lloyd Cadena first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *