Ivana ‘pantasya’ si Paulo

Sentro ng inggit ngayon si Paulo Avelino dahil kay Ivana Alawi.

The post Ivana ‘pantasya’ si Paulo first appeared on Abante.

ivana pantasya si paulo - Ivana ‘pantasya’ si Paulo
Ivana alawi 1 - Ivana ‘pantasya’ si Paulo

Sentro ng inggit ngayon si Paulo Avelino dahil kay Ivana Alawi.

Sa presscon kasi ng pelikulang ‘Sitsit’ kung saan bida si Ivana sa episode na ‘Aswang’, at si Paulo naman ang producer, umamin ang seksing aktres na na-pressure, nahiya siya kay Paulo.

“Si Paulo sobrang tahimik na… Ano kasi, na-pressure ako, kasi nga…” pabitin na chika ni Ivana.

Na ano nga?

“Kasi, crush ko siya. Okey na `yon? Hahahaha!

“Tapos noong nakita ko siya, tahimik nga, pero very caring naman. Lagi niya akong tsini-check. Na-appreciate ko naman `yon,” sabi ni Ivana.

Tila hiyang-hiya naman si Paulo na mag-react sa pag-amin ni Ivana.

“Baka kailangan mong mag-eye drops at tumingin sa paligid. Wala akong masabi. Hindi ko alam kung magti-thank you ba ako. Pero, ‘wag kang mag-alala, crush ka rin naming lahat,” hiyang-hiya na saad ni Paulo. (Dondon Sermino)

The post Ivana ‘pantasya’ si Paulo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *