Ivana nagsisi na umayaw sa ‘La Vida Lena’

Parang promising ang bagong serye ng Kapamilya network, ang La Vida Lena na magsisimula ng mapanood sa iwantTFC simula sa Nov. 14.

The post Ivana nagsisi na umayaw sa ‘La Vida Lena’ first appeared on Abante.

ivana nagsisi na umayaw sa la vida lena - Ivana nagsisi na umayaw sa ‘La Vida Lena’
abante ivana 2 - Ivana nagsisi na umayaw sa ‘La Vida Lena’

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Ivana nagsisi na umayaw sa ‘La Vida Lena’Parang promising ang bagong serye ng Kapamilya network, ang La Vida Lena na magsisimula ng mapanood sa iwantTFC simula sa Nov. 14.

Although sa trailer at premise ng kuwento, puwedeng sabihin na napanood na ito sa maraming pagkakataon in the past. Mga pinagsama-sama at pinaghalo-halong proven & tested formula ng isang soap-opera. Pero siyempre, ang aabangan ay ang pag-atake ng cast sa kanya-kanyang character.

Marami na rin ginawang challenging roles si Erich dati, pero mukhang isa ito sa maituturing niyang “level-up” naman na in-terms of maturity in acting at pagiging daring from her ‘Katorse’ days.

Mahuhusay rin ang support ni Erich from Janice de Belen, Agot Isidro, Carlo Aquino at iba pa.

Ito ang serye na sana, launching na ng ‘Reyna ng YouTube’ na si Ivana Alawi. Napapaisip tuloy kami, wala kayang pagsisisi kay Ivana na nag-back-out siya?

Although siyempre, kung monetary ang pag-uusapan, kinikita pa lang niya sa YouTube e, malamang mas malaki kesa sa kikitain niya sa serye. Pero iba lang din talaga yung may nagawa ka ng de-kalidad na drama bilang isang actress.

Dingdong kinikilig kina Rocco-Jasmine

Para kay Jasmine Curtis-Smith, may dahilan ang lahat. Bago kasi ang lock down sa bansa, nakasaglit pa ng ilang araw si Jasmine sa Melbourne, Australia.

Dumalaw noon si Jasmine sa kapatid na si Anne Curtis na kapapanganak pa lang sa pamangkin niya na si Dahlia. Eight months old na si Dahlia at dahil nga sa pandemic, hindi niya na-witnessed ang mga milestone sa buhay ng pamangkin.

Naiisip daw niya minsan na what if nga raw kaya at na-stuck din siya sa Australia at hindi na nakabalik ng bansa. Pero sey niya, “But then again, baka nahirapan ako to comeback and I can’t shoot once everything is allowed. So, everything happens for a reason.”

True enough naman nga, kung na-stuck si Jasmine sa Australia, malamang ay magkakaroon ng problema sa naging lock in taping nila ng Descendants of the Sun Ph at kunsaan, simula ngayong November 5, mapapanood na ang fresh episodes nito hanggang sa mag-finale.

Masaya si Jasmine dahil marami rin ang nag-aabang ng tandem nila ni Rocco Nacino bilang sina Wolf at Captain Moira. Na ayon kay Dingdong Dantes, siya raw ang President ng Fan Club ng dalawa.

Siyempre, bukod sa kuwento nina Wolf at Moira, mapapanood na rin ang pagpapatuloy ng kuwento nina Big Boss at Dra. Maxine na ginagampanan nga nina Dingdong at Jennylyn Mercado.

The post Ivana nagsisi na umayaw sa ‘La Vida Lena’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *