Ivana nagbalandra agad ng boobey sa IG

Kakapasok pa lang ng 2021, nagpainit na agad sa kanyang mga fan si Ivana Alawi.

The post Ivana nagbalandra agad ng boobey sa IG first appeared on Abante.

ivana nagbalandra agad ng boobey sa ig - Ivana nagbalandra agad ng boobey sa IG
ivana alawi - Ivana nagbalandra agad ng boobey sa IG

FINAL columnists OH Laban ka rey pumaloy 2 300x180 - Ivana nagbalandra agad ng boobey sa IGKakapasok pa lang ng 2021, nagpainit na agad sa kanyang mga fan si Ivana Alawi.

Nagpasilip ang Pinay YouTube Queen ng kanyang dibdib sa Instagram na humakot agad nang halos 2 libong komento at halos kahalating milyon na like.

Kabilang si Hayden Kho sa nag-like at pumuri kay Ivana. Tila hindi isyu kay Vicki Belo ang mga papitik ng kanyang mister sa mga sexy photo ni Ivana, lalo at naging guest na ng huli sa kanyang YouTube channel si Ivana.

Anyway, labas ang dibdib ni Ivana sa topless shot niya habang sapu-sapo niya ang kanyang mga dibdib.

Balot sa mahabang balloon skirt gown ang katawan ni Ivana pero hubad naman ang pang-itaas.

Walang kumontra at wala rin namang nag-alala sa kanyang paghuhubad dahil takip-takip nama nito ang kalahati ng kanyang mga bundok.

***

Mansion ni Andrea agaw-atensiyon

Ang pagtatapos ng ipinapagawang bahay ni Andrea Brillantes ang sumalubong sa kanyang mga fan ngayong 2021.

Proud na ibinahagi ni Andrea ang larawan ng bahay sa kanyang Instagram, na may tatlong palapag at kulay orange.

Ayon sa caption, ang pagpapagawa ng bahay ang isa sa ultimate dream niya pero pinaka-challenging.

Ito ang dahilan ng pagsisikap niya sa buhay at katas nang pinaghirapan niya sa paga-artista.

Hindi naging madali para kay Andrea ang pagpapatayo ng bahay, lalo’t sa gitna ng pandemya at banta ng COVID-19 ito tinapos.

At least, isa si Andrea sa mga nagbigay trabaho sa mga manggawa ngayong krisis.

***

Glaiza tanggap ng pamilya ni David

Walang choice si Glaiza De Castro kundi ang bumalik ng Pilipinas para sa bagong seryeng gagawin sa Kapuso network ang “Nagbabagang Luha.”

Siguradong si Glaiza ang isa sa mga kauna-unahang Pinoy celebrity na makakatikim ng panibagong quarantine protocol dulot ng kumakalat na bagong strain ng COVID-19.

Mabuti na lang at hindi pa binabanggit ang Ireland sa mga bansang may kaso o bagong kaso ng bagong virus.

Nasa Ireland ngayon si Glaiza kung saan siya nag-Pasko at Bagong taon kapiling ang fiance na si David Rainey. Doon naganap ang engagement ng actress bago pa sumapit ang Christmas.

Base sa mga holiday photo na pinoste ni Glaiza sa Instagram, kasama niya ang buong pamilya ni David.

Walang dudang masaya si Glaiza sa estado ng lovelife lalo’t makikita sa mga photos na tanggap sya ng buong pamilya ni David.

The post Ivana nagbalandra agad ng boobey sa IG first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *