Ivana kinabog si Liza sa pagandahan

Hindi na mabilang ang taon, o ang paulit-ulit na nananalo si Liza Soberano sa mga pakontes, pa-survey sa kung sino ang may pinakamagandang mukha sa showbiz, o minsan kahit sa buong mundo.

The post Ivana kinabog si Liza sa pagandahan first appeared on Abante.

ivana kinabog si liza sa pagandahan - Ivana kinabog si Liza sa pagandahan
abante ivana liza - Ivana kinabog si Liza sa pagandahan

Hindi na mabilang ang taon, o ang paulit-ulit na nananalo si Liza Soberano sa mga pakontes, pa-survey sa kung sino ang may pinakamagandang mukha sa showbiz, o minsan kahit sa buong mundo.

Palagi ay unang naiisip si Liza kapag ganiyan ang tanong. At oo naman, dahil super ganda naman talaga ni Liza, ke malayo o malapit.

Pero, biglang-bigla nagbago ang taste ng mga fan, ah! Heto nga, at sa kauna-unahang pagkakataon, napabilang si Ivana Alawi sa taunang listahan ng TC Candler at The Independent Critics na “Top 100 Most Beautiful Faces.”

Si Ivana ay nasa pang-11 na puwesto, ha! At kataka-taka para sa mga fan na si Liza ay nasa pang-14 lang ngayong taon.

Anyare nga naman? Bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin

Eh, sabi ko nga, paulit-ulit at ilang beses na ngang pumasok sa listahan si Liza sa may pinakamagandang mukha, at nanguna pa siya sa listahan noong 2017.

“Unlike most other annual beauty rankings, the list is not a popularity contest and is most definitely not country specific,” punto ng TC Candler sa listahan na nilabas kahapon.

Anyway, si Israeli model-actress Yael Shelbia ang tinanghal na “Most Beautiful Face” ngayong 2020. (DS)

The post Ivana kinabog si Liza sa pagandahan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *