Ivana ‘di ‘mapatumba’ ni Vice Ganda

Umabot na sa 3 milyon ang mga subscriber ni Vice Ganda sa kanyang YouTube channel. At mas lalo pa niya itong gustong palakasin.

The post Ivana ‘di ‘mapatumba’ ni Vice Ganda first appeared on Abante.

ivana di mapatumba ni vice ganda - Ivana ‘di ‘mapatumba’ ni Vice Ganda
ivana and vice - Ivana ‘di ‘mapatumba’ ni Vice Ganda

Rey pumalopy 12 300x200 - Ivana ‘di ‘mapatumba’ ni Vice GandaUmabot na sa 3 milyon ang mga subscriber ni Vice Ganda sa kanyang YouTube channel. At mas lalo pa niya itong gustong palakasin.

At heto nga, nanawagan si Vice na tutukan ang kanyang channel, at datung nga ang ipinangalandakan niya.

Puwede naman na magpasalamat lang si Vice sa mga sumusubaybay sa kanya, pero dahil marami siyang datung, kaya gusto niyang mamigay ng pera.

Ang dapat lang gawin, sagutin ang mga tanong niya mula sa kanyang latest vlog, at lagyan ng hashtag na #Happy3MViceGanda.

At dapat din nilang i-post ang sagot sa kanilang mga Facebook, Twitter, Instagram account kasama ang link ng latest YT vlog ni Vice.

Meaning, dapat ay mas marami ang makaalam ng latest na vlog niya, kaya lalong madadagdagan ang mga subscriber niya.

Kumbaga, pinagana ni Vice ang pera niya para manghikayat ng mga subscriber. Bongga ito sa panahon na walang trabaho ang karamihan. Eh, aabutin daw ng P 120K ang papremyo na ipamimigay niya.

Well, talbog pa rin siya kay Ivana Alawi na alindog lang ang puhunan at humamig na agad ng 9.51 milyon ang mga subscriber niya, ha! Malabong mapatumba ni Vice si Ivana.

Pang-Darna ang ganda:

Wetpaks ni Jillian pinagkaguluhan sa IG

Hindi pa nagpapa-sexy si Jillian Ward pero umuusok na siya sa alindog at sex appeal. Heto nga at muling pinutakti ng mga papuri si Jillian sa pa-‘wetpaks’ shot niya sa IG.

Nakasuot siya ng skinny jeans at patalikod ang kuha. At lumabas ang magandang hubog at matambok na puwet ni Jillian, na hinangaan ng mga follower niya.

Bukod sa maganda ay napaka-sexy rin talaga ni Jillian. At dahilan `yon para ikampaniya ng mga fan niya na ibigay sa kanya ang mga papel bilang Marimar, Dyesebel at Darna.

Meaning, si Jillian na nga ang gusto nilang makakuha ng korona ni Marian sa GMA 7.

Lungkot na sa bahay: Joey gusto nang lumayas ng Pinas

Si Jocas de Leon mismo ang nagsabing sabik na sabik na raw magbyahe abroad ang kanyang amang si Joey de Leon. Sa Instagram ikinuwento ni Jocas na naiinip na ang ama niya sa bahay.

Mula pa noong mag-community quarantine ay panay na raw ang banggit ni Joey na gusto na nitong rumampa abroad. Panay na raw ang tanong sa kanya ng ama kung may mga bansa na raw na binuksan para mapuntahan ng mga Pinoy.

Kaya naman sa birthday celebration ni Joey, ginawang travel destination nina Jocas ang theme ng party ng ama. Pinuno nila ng pangalan ng mga bansa ang isang bahagi ng kanilang bahay. Nilagyan nila ng mga flag ng iba’t ibang bansa ang mga cake nito.

Para raw kahit papaano ay maibsan ang pangungulila ni Joey.

Antoinette nag-alala sa mga Tamaraw

Idinagdag ni Antoinette Taus sa kanyang malasakit sa preservation ng mga dagat (partikular ang Manila Bay) sa panawagan na suportahan at alagaan ang mga Tamaraw.

Endangered na ang mga Tamaraw sa bansa kaya naman naalarma si Antoinette na kailangan na nga ng tulong mula sa sambayang Pinoy na pondohon ang grupo na nagpipreserba, nag-aalaga sa mga natitirang lahi ng mga Tamaraw sa Mindoro.

May namatay na nga kasing Tamaraw kamakailan. At nag-aalala si Antoinette nab aka maubos sila kapag hindi inalagaan.

The post Ivana ‘di ‘mapatumba’ ni Vice Ganda first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *