Isko P5M ang donasyon sa mga biktima ng lindol

Lumabas din ang pagiging mapagkawanggawa ni Manila Mayor Isko Moreno dahil ‘yung limang milyong piso na talent fee niya ay napunta sa mga biktima ng lindol sa Cotabato.

isko p5m ang donasyon sa mga biktima ng lindol - Isko P5M ang donasyon sa mga biktima ng lindol
isko 25 - Isko P5M ang donasyon sa mga biktima ng lindol

Jun Nardo I Know Better 32 336x224 - Isko P5M ang donasyon sa mga biktima ng lindolLumabas din ang pagiging mapagkawanggawa ni Manila Mayor Isko Moreno dahil ‘yung limang milyong piso na talent fee niya ay napunta sa mga biktima ng lindol sa Cotabato.

Tatlong milyong piso ang naging talent fee ni Yorme sa isang pharmaceutical company at dalawang milyong piso mula sa Belo Medical Group.

Bago ang donasyon sa earthquake victims, unang nag-donate ng malaking halaga ang Manila mayor sa modeling contract niya ng isang brand of jeans at bilang brand ambassador ng isang coffee chain sa Philippine General Hospital para sa mga batang may cancer at pasyente na may liver ailments.

Sinong celebrity o politician ang susunod sa yapak ni Mayor Isko?

Jerald Napoles binalewala ng ABS-CBN

Burado ang pangalan ni Jerald Napoles sa character generation na lumabas sa showbiz report ng DZMM nitong nakarang mga araw.

Nu’ng Halloween kasi, suot nina Jerald at girlfriend na si Kim Molina, ginaya ng dalawa ang mga character na bahagi ng isang series ng Channel 2.

‘Yun nga lang, tanging pangalan lang ni Kim ang nakalagay sa ‘chargen’ habang nakasaad lang na boyfriend ang nakalagay kay Jerald.

Pati sa chargen, bawal ang Kapuso stars, huh! Ha! Ha! Ha!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *