Isabel Lopez nagpakasal sa abogado

Kinasal na ang aktres at former Miss Universe Philippines na si Maria Isabel Lopez sa kanyang Jewish-American fiancé na si Atty. Jonathan Melrod kamakailan.

The post Isabel Lopez nagpakasal sa abogado appeared first on Abante News Online.

isabel lopez nagpakasal sa abogado - Isabel Lopez nagpakasal sa abogado
ABANTE isabel - Isabel Lopez nagpakasal sa abogado

By Ruel Mendoza

Kinasal na ang aktres at former Miss Universe Philippines na si Maria Isabel Lopez sa kanyang Jewish-American fiancé na si Atty. Jonathan Melrod kamakailan.

Naganap ang ranch wedding ni Maribel at Jonathan sa Ranchito Milagro in Sebastopol, California. Isang retired human rights lawyer ang bagong mister ni Maribel.

Heto ang post ni Maribel sa kanyang Instagram account:
“The countdown begins… It’s 10 days before our big day on June 9 … The best gift in life is a second chance #BecomingMrsMelrod #JewishFilipinoWedding #Junebride.”

Unang kinasal si Maribel sa Japanese na si Hiroshi Yokohama noong 1990 kung saan may dalawang anak ito na sina Mara Lopez Yokohama at Ken Yokohama. Naghiwalay sila ni Hiroshi noong 2006.

After 13 years ay muling kinasal si Maribel at pre­sent sa kanyang wedding ang dalawa niyang anak.

The post Isabel Lopez nagpakasal sa abogado appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *