Ion Perez super bantay kay Vice Ganda sa ospital

Tatlong araw na na-ospital si Vice Ganda kaya ilang araw na siyang wala sa “It’s Showtime.” Marami ang nakaka-miss sa kanya, lalo na ang madlang people dahil iba raw ang sayang dala ni Vice tuwing tanghali.

The post Ion Perez super bantay kay Vice Ganda sa ospital appeared first on Abante News Online.

ion perez super bantay kay vice ganda sa ospital - Ion Perez super bantay kay Vice Ganda sa ospital
ABANTE ion perez - Ion Perez super bantay kay Vice Ganda sa ospital

Tatlong araw na na-ospital si Vice Ganda kaya ilang araw na siyang wala sa “It’s Showtime.” Marami ang nakaka-miss sa kanya, lalo na ang madlang people dahil iba raw ang sayang dala ni Vice tuwing tanghali.

Pero good news dahil na-release na siya sa pagkaka-ospital. Tweet niya, “Thank you very much to all the wonderful doctors, nurses and staff of The Medical City for taking good care of me for three days. Ang babait at ang aliwalas n’yo. God bless you guys! Uwian na!”

Nitong weekend, nakita pa siya sa unang live shows ng “Idol Philippines” at awrang-awra pa siya doon. ‘Di natin alam masama na pala ang lagay niya.

Marami ang masaya dahil magaling na siya, pero mas marami ang kinikilig dahil binantayan pala siya ng dyowa niyang si Ion Perez, si kuya escort sa “Showtime,” habang nakaratay siya at nagpapagaling.

May kilig ang tambalan nila, in fairness. Lalo na sa hit na “KapareWho” segment, kasi naman magaling ding bumato ng punchline itong si Ion at nakikipagsabayan kay ate girl Jacky.

Oh well, basta ang mahalaga, masaya tayong lahat at ipag-pray natin ang kalusugan ng bawat isa. (Dondon Sermino)

The post Ion Perez super bantay kay Vice Ganda sa ospital appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *