Ion ‘inangkin’ na si Vice Ganda

Wala man ang presence ng phenomenal na komedyante na si Vice Ganda sa “It’s Showtime” kamakailan, damang-dama pa rin ng madlang pipol ang kilig sa “friendship” nila ni Kuya Escort Ion Perez.

ion inangkin na si vice ganda - Ion ‘inangkin’ na si Vice Ganda
ion 1 - Ion ‘inangkin’ na si Vice Ganda

Wala man ang presence ng phenomenal na komedyante na si Vice Ganda sa “It’s Showtime” kamakailan, damang-dama pa rin ng madlang pipol ang kilig sa “friendship” nila ni Kuya Escort Ion Perez.
Eh paano ba naman, kailan nga lang ay may pa-caption si Kuya Escort sa ­kanyang Instagram na “mine mine” kalakip ang litrato nilang dalawa habang naglalaro­ sa katatapos lang na Star Magic All-Star Game 2019.
Aba, inangkin na ni Ion si Vice, ha!
Anyway, sinundan pa ng pagbati ni Ion kay Vice sa telebisyon dahil absent ito.
“Shout out pala kay ano… Betla, love you!” suwabeng pagkakasabi ni Ion.
Siyempre, todo hiyawan ang mga fan nang sabihin niya iyon.
Matatandaang nabuking si Ion noong nakaraang buwan sa kanilang tawagang “betnog”(Ion) at “betla” (Vice) na muntik pang ikapahamak ni Ion dahil “betlog” ang una nitong nabanggit.
Mula sa pagkakaroon ng tawagan, ngayon naman ay may pag-angkin pa si Ion kay Vice hanggang sa eksenang may pag-”I love you” pa.
So ano na nga kaya talaga ang real score sa dalawang ito? (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *