Iñigo kinamumuhian ng mga fan ni Maris

Humamig ng samu’t saring reaksyon ang interview ng on-screen partners na Iñigo Pascual at Maris Racal sa “TWBA” kamakailan.

inigo kinamumuhian ng mga fan ni maris - Iñigo kinamumuhian ng mga fan ni Maris
inigo 1 - Iñigo kinamumuhian ng mga fan ni Maris

Humamig ng samu’t saring reaksyon ang interview ng on-screen partners na Iñigo Pascual at Maris Racal sa “TWBA” kamakailan.

Maraming fan ang nagalit kay Iñigo dahil sinasabing hindi ito makasagot nang diretso kay Maris sa tanong na: “Hindi ka lang ba ready noon o ayaw mo lang talaga?”

Sa naganap kasi na interview sa kanilang dalawa, binigyan sila ng pagkakataon na kapwa magtanong ng bagay na hindi pa nila natanong ever sa isa’t isa.

Dito ay tinanong ni Iñigo kung may dala pa rin bang galit si Maris sa kanya, na malinaw namang sinagot ng aktres na wala na siyang galit sa kaibigan.

Pero hindi agad nakasagot si Iñigo sa turn ni Maris, sa tanong ng aktres kung hindi ba ready o ayaw lang ni Iñigo noon kaya sila nagkahiwalay.

Dahil dito, bumuhos ang negatibong komento para kay Iñigo na kesyo paasa raw ang aktor.

“She deserves better!”

“Excuses, daming paligoy-ligoy, ayaw mo lang talaga. Poging-pogi ka sa sarili mo!”

“I feel sorry for Maris. You’ll find a better man.”

‘Yan nga ang mga reaksyon ng mga fan kaugnay sa binitawang statement ng dalawa tungkol sa kanilang naudlot na relasyon. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *