Inggit kay Billy: Matteo ‘excited’ magka-baby kay Sarah

Ngayon daw nararanasan ni Billy Crawford ang madalas na linya ni German ‘Kuya Germs’ Moreno na ‘Walang Tulugan’, dahil sa pagkakaroon na nila ng anak ni Coleen Garcia.

The post Inggit kay Billy: Matteo ‘excited’ magka-baby kay Sarah first appeared on Abante.

inggit kay billy matteo excited magka baby kay sarah - Inggit kay Billy: Matteo ‘excited’ magka-baby kay Sarah
Matteo Guidicelli - Inggit kay Billy: Matteo ‘excited’ magka-baby kay Sarah

dondon sermino 10 - Inggit kay Billy: Matteo ‘excited’ magka-baby kay SarahNgayon daw nararanasan ni Billy Crawford ang madalas na linya ni German ‘Kuya Germs’ Moreno na ‘Walang Tulugan’, dahil sa pagkakaroon na nila ng anak ni Coleen Garcia.

Katuwang nga kasi si Billy sa pag-aalaga ng baby nila ni Coleen, at siyempre, nagtatrabaho pa siya, lalo na at siya nga ang host ng Masked Singer Pilipinas, ang bagong show ng TV5, na prodyus ng Viva TV.

Pero, ramdam na ramdam ang kaligayahan ni Billy habang nagkukuwento tungkol sa kanyang baby. Lalo na raw ngayon na patuloy itong tumataba, dahil sobrang takaw nga raw dumede.

Anyway, sa presscon ng Masked Singer Pilipinas, kinulit din ang isa sa mga hurado na si Matteo Guidicelli kung kailan niya gagayahin si Billy, at kung hindi ba siya naiinggit dito na isa na ngang ama.

In short, kailan ba sila magkaka-baby ni Sarah Geronimo?

“Yeah, we’re enjoying the marriage. Yeah, I’m very excited, when the day comes. We’ll see,” sey ni Matteo.

‘Tomorrow?’ Hirit ni Aga Muhlach na isa ring hurado.

“Yeah… Hahaha!”

‘At least, gusto mo.’ Sey ulit ni Aga.

“Yeah, I’m very excited!” sey ulit ni Matteo.

Aga hinikayat ang mga Kapamilya sa Kapatid Network

Sa chikahan pa rin with mga hurado, host ng Masked Singer Pilipinas, nakiusap din si Aga Muhlach na itigil na muna ngayon ang paghahati-hati ng mga artista.

Kumbaga, hayaan ang mga artista na makapagtrabaho sa iba’t ibang istasyon.

“In the 80s, in the 90s, sama-sama lang ang lahat. And then, nagkaroon ng division. Dapat always welcome lang ang lahat.

“Ang sa akin, sa lahat ng mga taga-ABS-CBN, galing din ako sa ABS, galing din ako ng TV5. Ang gusto ko lang sabihin sa inyo, huwag niyo sanang maramdaman na iba kayo rito. Pareho-pareho tayo.

“Tigilan na natin yan division ng mga artista. Sama-sama tayong magtrabaho, mas gaganda, mas magiging masaya ang publiko kung hindi tayo maghihiwalay.

“Sana ganun, sama-sama lang…” sey ni Aga.

Gusto ngang makita ni Aga na ang mga Kapamilya star ay nagtratrabaho sa Kapuso, o sa Kapatid, at ganun din ang iba…

The post Inggit kay Billy: Matteo ‘excited’ magka-baby kay Sarah first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *