Inabandona ng asawa: John Regala nagsusumamo ng gamot, pagkain

May anak daw ba si John Regala? Kung meron, nasaan daw sila?

inabandona ng asawa john regala nagsusumamo ng gamot pagkain - Inabandona ng asawa: John Regala nagsusumamo ng gamot, pagkain
abante john regala - Inabandona ng asawa: John Regala nagsusumamo ng gamot, pagkain

Dondon Sermino Paistaran 14 300x200 - Inabandona ng asawa: John Regala nagsusumamo ng gamot, pagkainMay anak daw ba si John Regala? Kung meron, nasaan daw sila?

Well, mapapanood nga sa Facebook ni John ang panawagan niya o paghingi ng tulong sa mga taong may mabubutiing kalooban.

Makikita sa video na mahina, malumanay nang magsalita ang dating maangas na kontrabida, habang nakahiga sa kama, at naka-dextrose. At kuwento niya, limang araw na raw siyang hindi kumakain (July 21 ang video na `yon), kaya nakikiusap siya na sana ay may tumulong sa kanya.

Ikinuwento rin niya na iniwan na siya ng kanyang asawa. At tanggap daw niya `yon dahil wala na nga naman daw siyang silbi.

Iginiit niya na gusto pa niyang mabuhay, bagamat paminsan-minsan ay iniisip daw niya na wakasan na rin ang kanyang paghihirap.

Sabi ni John, gusto niyang magsimula ulit, pero malabo nga `yon ngayon sa showbiz, dahil sa sitwasyon, kaya hiling niya na sana ay matulungan siya na magkaroon ng maliit na negosyo.

Hindi raw pamamalimos ang ginagawa niya ngayon, kundi pagkatok sa puso ng mga tao na may mabuting kalooban. At nagsusumamo siya na sana ay matulungan siya.

Sa naturang video ay ibinigay niya ang bank account number niya para sa mga nais magbigay tulong.

Anyway, makikita naman ang sunod-sunod na pagre-repost ng mga kaibigan sa showbiz ni John, na nagsusumamo na rin na tulungan ang mahusay na aktor.

BrightWin tuloy ang pakilig

Aapaw pa ang kilig at hugot sa iWant sa pagdagsa ng Thai series na malapit nang mapapanood dito, kabilang na ang Tagalized sequel ng “2gether,” 2019 series na “Come to Me,” at ng bagong “I’m Tee Me Too.”

Ngayong Agosto at Setyembre, sasabay sa airing sa Thailand ang pagpapalabas ng Tagalized versions ng “Still 2gether” at “I’m Tee Me Too” sa Pilipinas sa iWant. Tampok sa dalawang serye ang apat na pinakasikat ng boy love pairs ng GMMTV—ang BrightWin sa “Still 2gether,” at KristSingto, TayNew, at OffGun para sa “I’m Tee Me Too.”

Tuloy-tuloy ang kilig ng BrightWin fans sa pagdating ng “Still 2gether,” ang karugtong ng “2gether.” Sa five-episode special, dalawang taon nang magkasintahan nina Sarawat (Bright Vachirawit) at Tine (Win Metawin). Ngunit mababalot ito ng pagsubok at selos dahil sa hindi nila pagkakasundo at mabibigat na responsibilidad sa kolehiyo.

Mapapanood na rin sa Agosto 8 ang romance drama series na “Come To Me,” tungkol sa multong si Mes (Singto) na malulumbay dahil 20 taon nang walang bumibisita sa puntod niya. Maaawa naman ang batang si Thun kaya’t magiiwan ito ng pagkain at mangangako na babalik ito sa puntod.

Sa paglipas ng mga taon, babalik si Thun (Ohm) na isa nang binata at ipapaliwanag kay Mes na nakikita niya ito bilang multo. Mapapalapit ang loob nila sa isa’t isa habang hinahanap ang sagot sa likod ng pagkamatay ni Mes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *