Ina Raymundo ‘inabuso’ ng anak

Kaloka ‘yang title na ‘yan na “Ina Raymundo inabuso ng anak” ha! Iisipin mo, sinong anak niya ang gagawa noon eh ang liliit pa nila, bukod sa panganay niyang anak na babae naman.

The post Ina Raymundo ‘inabuso’ ng anak appeared first on Abante News Online.

ina raymundo inabuso ng anak - Ina Raymundo ‘inabuso’ ng anak
ina 2 - Ina Raymundo ‘inabuso’ ng anak

Kaloka ‘yang title na ‘yan na “Ina Raymundo inabuso ng anak” ha! Iisipin mo, sinong anak niya ang gagawa noon eh ang liliit pa nila, bukod sa panganay niyang anak na babae naman.

Well, of course, sa harap ng kamera nangyari ‘yan.

Tampok nga si Ina sa pagsasabuhay ng masa­limuot na karanasan ng isang inang hinalay ng kanyang anak na lulong sa bawal na gamot ngayong Sabado (Hunyo 15) sa “Ipaglaban Mo”.

Hindi kinukunsinte ni Clara (Ina) ang pagi­ging adik ni Gio (Neil Coleta).

Sa katunayan, gusto niya itong ipa-rehab upang guma­ling. Kaya lang, nana­naig ang pagiging ina niya tuwing nagmamakaawa ang anak na huwag siyang dalhin sa rehabilitation center at nanga­ngakong magbabago.

Ngunit hahantong sa matinding pagsisisi ang mapagkalingang ina matapos halayin siya ng anak. Labag man sa kanyang kalooban, mapipilitan si Clara na isup­long sa awtoridad ang anak na wala nang kinatatakutan.

Mapapatawad pa kaya ng inang nagdadalamhati sa pambababoy sa kanya ang sariling anak? Mas matimbang ba ang dugo kaysa sa batas sa kahihinatnan ni Gio?

Handog ng “Ipaglaban Mo,” ang nag-iisang legal drama sa bansa, ang mga kuwentong base sa totoong buhay na maaa­ring kapulutan ng aral at kaalaman ng mga manonood tuwing Sabado.

Bukod sa pagpapa­labas nito ng makatotohanang episodes, nagbibigay din ito ng libreng legal advice linggo-linggo sa ABS-CBN Tulong Center sa Quezon City.

Huwag palampasin ang “Ipaglaban Mo” tuwing Sabado, pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. (Dondon Sermino)

The post Ina Raymundo ‘inabuso’ ng anak appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *