Ina ng male personality nasa masidhing gamutan

DAKILANG anak kung ilarawan ng mga kaibigan ng kanilang pamilya ang isang male personality. Totoong mabuti siyang anak at kapatid.

ina ng male personality nasa masidhing gamutan - Ina ng male personality nasa masidhing gamutan
male - Ina ng male personality nasa masidhing gamutan

Cristy Fermin No Thanks 1 336x224 - Ina ng male personality nasa masidhing gamutan

DAKILANG anak kung ilarawan ng mga kaibigan ng kanilang pamilya ang isang male personality. Totoong mabuti siyang anak at kapatid.

May pinagdadaanang emosyonal na problema ang kanyang ina. Sumasailalim ito sa isang masidhing gamutan at pagsubaybay ng mga doktor, mula nu’n hanggang ngayon ay hindi nagpabaya kahit minsan ang male personality sa kanyang ina.

Kuwento ng aming source, “Napakabait niyang anak, mabait din siyang kuya, dahil siya ang nag-aalaga sa kapatid niya. Siya ang tumatayong tatay at nanay ng utol niya.

“Araw-araw, dinadalaw niya sa isang special place ang mommy niya. Dinadalhan niya ng food, inaalagaan, kinukuwentuhan niya para makalimot sa mga problema.

“Bibihirang anak lang ang ganu’n na makalinga sa magulang, kaya kung may paraan lang kaming mga kaibigan ng family nila, gusto namin siyang ipagpatayo ng monumento sa kadakilaan niya bilang anak at kapatid,” kuwento ng aming source.

Marespeto ang male personality na ito, guwapo at may magandang tindig, basang-basa n’yo na siguro kung sino siya.

Aktres lumalabas nang ‘di nagsusuklay

TAWA nang tawa ang aming source sa mga kuwentong nakarating sa kanya tungkol sa isang female personality na mahilig mamasyal na parang bagong gising lang ang kanyang itsura.

Maganda ang aktres, magaling siyang umarte, marami na siyang pinagbidahang pelikula na naging markado sa manonood dahil sa husay niyang gumanap.

Kuwento ng becki naming source, “Kasalanan ko ba? Kasalanan ba naming magkakaibigang nagkayayaang rumampa sa bazaar? Nananahimik kami, pero ang mga tindera du’n ang nagkuwento sa amin?

“Actually, patanong pa nga ang mga kuwento nila, e. Sabi nila, bakit daw ganu’n si ____ (pangalan ng magandang aktres), lumalabas ng bahay nang walang kaayus-ayos?

“Nu’ng nakaraang bazaar daw nila, e, nakita nila ang girl na parang wala lang, parang bagong gising lang daw siya na ni hindi pa nagsusuklay, e, rumampa na sa bazaar?

“Oo nga naman, kahit ba beautiful siya, e, kailangan din niyang mag-ayos, dahil public figure siya! Kakausapin nga namin ang sister niya na pangaralan siyang mag-ayos bago lumabas ng bahay!” humahalakhak na kuwento ng aming impormante.

Super Tekla nakakaumay ang pautot kay Willie

MARAMING hindi bumibili sa katwiran ni Super Tekla na naghihintay lang siya ng tamang timing para personal na puntahan si Willie Revillame. Aysus naman, nasa iisang network lang sila, ano pa ba naman ang kailangang hintayin ng komedyanteng ito?

Ang taong sinsero sa kanyang gagawin ay walang pinipili at hinihintay na tamang panahon. Mas maganda pa nga ang hindi pinaplano at natutuloy.

Tumatanaw siya ng utang na loob kay Willie, ipinagsisigawan ‘yun ni Super Tekla, kundi nga naman siya naging kalahok sa Wowowin ay hindi ganito kaganda ang kanyang kabuhayan showcase ngayon.

Pero hindi sapat ang pagsasabi lang, kailangang kinakambalan ‘yun ng aksiyon, mas mararamdaman ni Willie ang kanyang mga sinasabi kung personal silang magkikita.

Hindi pa ba naman niya kilala ang kanyang kuya? Matagal silang naging magkatrabaho, hindi niya pa ba kapado ang ugali ng TV host, kaya nakakaumay ang kanyang dahilan na naghihintay pa siya ng tamang timing para puntahan si Willie.

Napakamapagpatawad ni Willie, hindi na kinakatok ang puso ng kanyang kuya, baka nga hindi pa siya nakapagsasalita ay ayos na ang lahat.

Kaharap kami nu’ng minsang dumalaw kay Willie ang isang becki na nagkaroon ng kasalanan sa kanya, magso-sorry pa lang ito ay sinabi na agad ng TV host, “Naku, tama na ang drama, halika, kumain ka na! Sabay-sabay na tayong kumain!”

Ganown!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *