Ina may sakit: Klaudia luhaan sa ‘Abantelliling’

Kung isasalin sa teleserye o drama anthology ang buhay ni Klaudia Koronel sa kasalukuyan, tiyak na marami ang maaantig ang kalooban.

The post Ina may sakit: Klaudia luhaan sa ‘Abantelliling’ appeared first on Abante News Online.

ina may sakit klaudia luhaan sa abantelliling - Ina may sakit: Klaudia luhaan sa ‘Abantelliling’
Klaudia Koronel - Ina may sakit: Klaudia luhaan sa ‘Abantelliling’

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Ina may sakit: Klaudia luhaan sa ‘Abantelliling’
Kung isasalin sa teleserye o drama anthology ang buhay ni Klaudia Koronel sa kasalukuyan, tiyak na marami ang maaantig ang kalooban.

Nagda-dialysis na ngayon ang ina ni Klaudia na si Mama Tess, dahil sa sakit nito sa kidney. Kaya nu’ng dumating galing sa States si Klaudia, halos isang buwan niyang inilaan ang kanyang oras sa pag-aalaga sa ina at sa iba pang personal na bagay.

Ito lang ang natatanging panahon para makabawi si Klaudia sa mga panahong hindi niya nakita at nakasama ang ina. Mabigat sa loob ni Klaudia ang sitwasyon ng ina dahil may mga pagkakataong mahina ang kalagayan nito.

Sabi nga ni Klaudia sa amin ni Dondon Sermino, ilang taon siyang nag-alaga ng mga matatanda sa Amerika na siya niyang trabaho, pero sandaling panahon lang ang naigugugol niya sa kanyang ina.

Hindi puwedeng iwan ni Klaudia ang trabaho sa Amerika at ang pamimirmihan doon na para naman sa kinabukasan ng kanyang anak na narito sa Pilipinas.

Nais dalhin ni Klaudia ang dose-anyos na niyang only son kapag naging American Citizen na siya. Dalangin ni Klaudia na sana bago man lamang kunin ni Ama (Panginoong Hesus) ang Mama Tess niya, madala niya ito sa States.

Madalas, napapaluha na lang ang dating sexy star sa kalagayan ng mommy niya, pero hanggang sa pag-aalaga at ang pagbibigay ng mga kailangan nito kasama ang kanyang mga kapatid na nasa abroad na rin ang kaya lang nilang maibigay.

Bukod sa karamdaman ng ina, dalawang buwan pa lang mula nang matanggalan siya ng mayoma.

Iba rin ang pinagdaanan ni Klaudia nang maoperahan siya sa kanyang matris, na halos ikamatay niya, habang nasa ‘Pinas naman ang ina at may karamdaman.

Mapapanood ang nakakaantig-damdaming kuwento ni Klaudia sa kanyang buhay sa “Abantelliling” with Dondon, sa Abante News Online Facebook Page at sa YouTube. Abangan!

Malia pinagkakakitaan na ni Pokwang

Sanggol pa lang, kumikita na ang anak nina Pokwang at Lee O’Brian, na si Malia.

Naka-post sa Instagram wall ni Pokwang ang short video ng lunch nila ng kanyang mga kasama, ang kasintahang si Lee at si Malia. Ang lunch ay treat mismo ng bata sa kanilang guesting sa “Magandang Buhay.”

Paanong nangyari na nag-treat ang wala pang kamuwang-muwang sa mundo at mahigit sa isang taon pa lang na sanggol?

Sa caption, hawak-hawak ni Malia ang isang brown envelope na lalagyan ng pera.

Sabi ni Pokwang, ang laman ng envelope ay talent fee ng anak sa guesting nila sa “Magandang Buhay” para sa promotion ng single nito. Sa murang edad ng bata, meron itong dance single na pinamagatang “Malia, Malia”.

Ginamit ang lahat ng murmuring, tunog na lumalabas sa bibig ng bata at ni-remix ito sa isang single. Viral ang song lalo’t may mga video na isinasayaw ng mga batang nasa edad ni Malia ang nasabing awitin.

So, hindi kataka-taka na sa mga susunod na araw ay magkasunod-sunod pa ang talent fee ni Malia lalo’t open naman si Pokwang sa mga appearances at commercial ad para sa anak.

Buhok ni KZ Tandingan patay na

Hinahangaan ang candy-like color na wig ni KZ Tandingan na kada buwan ‘ata ay nagpapalit ito ng color shade. Si KZ lang ang natatanging artist, bukod kay Vice Ganda, na may ganitong nakakalokang hair fashion style.

Marami ang nagtatanong kung paano ito naa-achieve ng international singer at kung hindi ba nada-damage o nasisira ang kanyang buhok.

Ang totoo, hindi totoong buhok ni KZ ang makikitang long hair three-shades of color na makikita sa mga socmed post nito.

Isang high-quality wig ang suot-suot ng “ASAP” mainstay sa lahat ng kanyang mga pictorials at live appearances.

Natatandaan ko na sa panayam namin kay KZ sa presscon para sa show nila sa Singapore sa susunod na buwan, sinabi nitong ipinahinga muna niya ang kanyang buhok sa pagpapakulay para hindi ito ma-damage nang husto.

Nakahanap siya nang paraan na masunod ang taste niya sa high fashion nang hindi nalalagay sa alanganin ang kanyang natural hair, at ito ay ang pagsusuot ng wig.

Isang maituturing na fashion-inspiration ng mga millennial si KZ hindi lang sa hair color, kundi maging sa makeup.

Samantala, abangan ang pagtawid na ni KZ mula sa pagiging singer hanggang sa acting.

The post Ina may sakit: Klaudia luhaan sa ‘Abantelliling’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *