‘I’m moving forward’ Bea binuking ang panloloko ni Gerald

Nabigla ang aktres na si Bea Alonzo nang matanong ito tungkol “break-up” nila ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson.

The post ‘I’m moving forward’ Bea binuking ang panloloko ni Gerald appeared first on Abante News Online.

im moving forward bea binuking ang panloloko ni gerald - ‘I’m moving forward’ Bea binuking ang panloloko ni Gerald
gerald - ‘I’m moving forward’ Bea binuking ang panloloko ni Gerald

Nabigla ang aktres na si Bea Alonzo nang matanong ito tungkol “break-up” nila ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson.

Sa gitna ng maingay na kontrobersya, sinabi umano ni Gerald sa ama ni Julia Barretto na si Dennis Padilla na hiwalay na sila ni Bea.

“He said that? Honestly, to my understanding we did not break-up. He just started not talking to me,” sagot ni Bea nang magkaroon ng pagkakataong tanungin ito matapos ang presentation ng mga cast ng pinakabagong Star Creatives series kung saan makakasama niya si Richard Gutierrez noong Biyernes.

Matatandaang maraming naging patutsada sa pamamagitan ng Instagram si Bea kamakailan na tila may kinalaman nga sa kanyang buhay pag-ibig at iyon ay ang usap-usapang nagkaroon umano ng relasyon sina Julia at Gerald habang ginagawa ang pelikulang “Between Maybes”.

“Pinalaki ako ng ABS-CBN na professional, and we always have to show up regardless of what’s happening in my life,” ani Bea.

Nang tanungin naman ito kung okay lang ba siya, “I’m moving forward,” naman ang tugon ng aktres.

Naa-appreciate naman umano ng aktres ang mga taong nakikisimpatya sa kanya.

“Malaking bagay na nandiyan ‘yung mga kaibigan ko… Maraming nagki-care para sa akin. Actually nagugulat nga ako na marami ang nagpapadala ng bulaklak, marami ang nagti-text. Malaking bagay ‘yon para sa akin,” dagdag pa ni Bea. (Athena Yap)

The post ‘I’m moving forward’ Bea binuking ang panloloko ni Gerald appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *