Ilagay sa kontrata: Mga artistang adik dapat pagmultahin

Bitin na bitin na ang publiko sa pagsiwalat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng mga showbiz celebrity na nasa kanilang watch-list na umano’y gumagamit ng iba’t ibang uri ng drugs.

The post Ilagay sa kontrata: Mga artistang adik dapat pagmultahin appeared first on Abante News Online.

ilagay sa kontrata mga artistang adik dapat pagmultahin - Ilagay sa kontrata: Mga artistang adik dapat pagmultahin
ABANTE celeb pdea - Ilagay sa kontrata: Mga artistang adik dapat pagmultahin

abante i know better jun nardo 336x224 - Ilagay sa kontrata: Mga artistang adik dapat pagmultahinBitin na bitin na ang publiko sa pagsiwalat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng mga showbiz celebrity na nasa kanilang watch-list na umano’y gumagamit ng iba’t ibang uri ng drugs.

Eh panay ang tanong sa amin ng ilang kaibigan kung sinong loveteam ‘yung tinitiktikan na gumagamit ng droga. Siyempre, pag-artista ang sangkot, interesado ang publiko lalo na kung sikat sila, huh!

Sa totoo lang, matagal nang problema ng bansa ang droga hindi lang sa mundo ng showbiz. Madali nga lang maakit ang mga artista na gumamit ng drugs lalo na ‘yung sikat dahil madali sa kanila ang makabili dahil may pera sila.

Eh pag artista ka, lapitin din sila ng tukso. May tumitikim para makisama at may pumapatol sa droga para gising hanggang umaga para maging “buhay” sa trabaho.

‘Yung iba, ginagamit ang droga para makali­mutan ang mga problema!

Noon, simple lang ang mga drogang ginagamit. Eh nag-evolve na rin ‘yon kaya nga meron na ta­yong tinatawag na party drugs o ecstasy. Palibhasa, party people din ang ilang taga-showbiz kaya naman pag nasa gimikan at bilang pakikisama, join din sila sa paggamit ng ecs­tasy.

Ngayon lang kasing administrasyon natutukan ng pagpuksa sa droga. Walang sinasanto kumbaga kaya nga nailabas na ang ilang narco-politicians na sangkot sa drugs.

Tinawag din ng awtoridad ang atensyon ng TV networks na magkaroon ng random drug test sa kanilang artista at empleyado.

Sa puntong ito, gusto naming ibahagi ng ilang suggestions/opinions ni Eloisa Matias, dating TV executive, partner ni QC Mayor Herbert Bautista at businesswoman na inilabas niya sa kanyang Facebook page.

Sa TV networks, “It should be stipulated in the exclusive contract that talents whilst under exclusivity SHOULD NOT BE INVOLVED in drug use at all. Buying or using drugs will instantly be consi­dered breach and therefore, the contract shall be nullified at once…

“If artistas and talents­ love their jobs, they should know better that touch cocaine, shabu or ecstasy and marijuana with a 30-foot pole. These includes all kinds of addiction like gambling, etc.

“Sa mga contracts kasi, nakalagay lang…so and so in an exclusive talent of this network so and so per year. Ito lang! Tapos pagbayarin nyo ng mga commissions ng cancelled projects dahil sa kabaliwan nila.

“They have money, these artistas so drug peddlers find it so easy to lure them.”

Nag-suggest din si Eloisa tungkol sa usong sexy videos na maglagay rin ng provision sa kontrata tungkol dito.

Abangers na lang tayo kung ilalabas ng PDEA ang artistang nasa watch list nila.

The post Ilagay sa kontrata: Mga artistang adik dapat pagmultahin appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *