Ika-40 araw ng pagkamatay ni Manoy ginunita nina Susan, Phillip, Mother Lily

Ginunita noong Miyerkoles (July 31) ang ika-40 na araw ng pagpanaw ng batikang aktor na si Eddie ‘Manoy’ Garcia kung saan muling bumuhos ang emosyon ng mga kapwa sikat na personalidad nito.

ika 40 araw ng pagkamatay ni manoy ginunita nina susan phillip mother lily - Ika-40 araw ng pagkamatay ni Manoy ginunita nina Susan, Phillip, Mother Lily
eddie garcia - Ika-40 araw ng pagkamatay ni Manoy ginunita nina Susan, Phillip, Mother Lily

Ginunita noong Miyerkoles (July 31) ang ika-40 na araw ng pagpanaw ng batikang aktor na si Eddie ‘Manoy’ Garcia kung saan muling bumuhos ang emosyon ng mga kapwa sikat na personalidad nito.

Kasama ng pamilya ni Manoy na nagdadalamhati ang mga kaibigan nito sa showbiz na sina Susan Roces, Robin Padilla, Efren Reyes, Phillip Salvador at marami pang iba.

Hindi rin pinalampas ng Regal Entertainment producer na si Mother Lily Monteverde ang pagdalo sa ika-40 na araw ng paglisan ng kanyang mabuting kaibigan sa industriya.

Samantala, muling ipinanawagan naman ng anak-anakan ni Manoy na si 1-Pacman Representative Mikee Romero ang panukalang “Eddie Garcia Act” na layunin ay protektahan ang mga manggagawa sa industriya ng showbiz.

Bukod pa riyan ay nais din umanong isulong ang paglipat ng memorabilya ng aktor sa National Museum.

Anyway, marami ring fan na nakibalik-tanaw sa pagyao ng kanilang idolo.
Matatandaang pumanaw ang aktor noong Hunyo 20 mula sa pagkaka-comatose nang ilang araw dahil sa ‘di inaasahang pangyayari habang nasa taping nu’ng mga oras na iyon. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *