Idol si Miriam Defensor Santiago: Miss Iloilo Rabiya waging Miss Universe PH

Tama ang hula ng Abante sa mga posibleng mag-uwi ng korona ng Miss Universe Philippines 2020.

The post Idol si Miriam Defensor Santiago: Miss Iloilo Rabiya waging Miss Universe PH first appeared on Abante.

idol si miriam defensor santiago miss iloilo rabiya waging miss universe ph - Idol si Miriam Defensor Santiago: Miss Iloilo Rabiya waging Miss Universe PH
ms universe - Idol si Miriam Defensor Santiago: Miss Iloilo Rabiya waging Miss Universe PH

dondon sermino 10 - Idol si Miriam Defensor Santiago: Miss Iloilo Rabiya waging Miss Universe PHTama ang hula ng Abante sa mga posibleng mag-uwi ng korona ng Miss Universe Philippines 2020.

Pasok nga ang limang kandidata na pinaboran ng Abante, sina Miss Bohol (Pauline Amelinckx), Miss Cavite (Billie Hakenson), Miss Iloilo (Rabiya Occena Mateo), Miss Paranaque (Ysabella Roxas Ysmael), Miss Quezon City (Michelle Gumabao).

At dahil si Miss Iloilo Rabiya Mateo ang tinanghal na ‘best in swimsuit’, parang automatic na nga agad ang pakiramdam namin na siya ang posibleng mag-uwi ng korona, na nangyari nga.

Yes, si Rabiya Mateo nga ang tinanghal na Miss Universe PH 2020.

Si Rabiya ay 23 year-old, may tangkad na 5’7, at may lahing Fil-Indian. At bongga nga naka-graduate siya ng Bachelor of Science in Physical Therapy bilang Cum Laude.

Si Rabiya ang isasabak ng Pilipinas sa 69th edition ng Miss Universe pageant.

Heto nga ang naging sagot ni Rabiya sa unang tanong sa kanya na ‘If you could create a new paper currency with the image of any Filipino, dead or alive, who would it be and why?’

“If I were given the chance I want to use the face of Miriam Defensor-Santiago. For those who don’t know, she was an Ilongga but what I admired about her is that she used here knowledge, her voice to serve the country. I want to be somebody like her. Somebody who puts her heart, her passion into action.

“After all, she is the best President that we never had.”

At heto naman ang sagot niya sa pangalawang tanong na ‘This pandemic has made clear our priorities, essential and non-essential. Where do pageants stand in this time of crisis?’

“As a candidate I know, I’m not just the face of Iloilo City. But I am here carrying hope and as a symbol of light in the darkest times. And as of the moment, I want to help my community. I want to use my strength to make an impact and that is the essence of beauty pageant. It gives us the power to make a difference.”

Michelle Gumabao pahinga na sa beauty pageant

Anyway, 1st Runner-Up si Miss Parañaque, 2nd Runner Up si Miss Quezon City, 3rd Runner-Up si Miss Bohol, 4th Runner Up si Miss Cavite.

Dahil 2nd Runner Up nga si Michelle Gumabao, ang sister ni Marco Gumabao, at anak ni Dennis Roldan, na isang professional volleyball player, at nag-aartista rin, nakaramdam ng lungkot ang kanyang mga follower.

Si Michelle nga ang pinakasikat na kandidata sa Miss Universe PH, at inaasahang mag-uuwi talaga ng korona, dahil bukod sa maganda, matalino at seksi nga ito.

Maituturing din na beterana na si Michelle sa pageant, dahil una nga siyang sumali sa Bb. Pilipinas noong 2018, at naiuwi nga niya ang koronang Binibining Pilipinas Globe.

At kung pagbabasehan ang edad ni Michelle, na nag-28 years old nga noong September 2 (pinanganak siya noong 1992, base sa Google), lagpas na siya sa edad na puwedeng sumali sa beauty pageant.

Gazini, Catriona pabor sa panalo ni Mateo

Siyanga pala, agad namang binati ni Miss Universe 2018 Catriona Gray si Rabiya Mateo.

“Congratulations to our new queen Rabiya Mateo. Excited to witness your journey. Welcome to the sisterhood,” pagbati ni Catriona kay Rabiya.

Ganun din si Gazini Ganados, ang Miss Universe PH 2019.

“Welcome to the sisterhood Queen Rabiya Mateo,” sabi niya.

Anyway, pinayagan nga si Gazini ng Bb. Pilipinas Charities, Inc. na ipasa ang korona, bagamat hindi na sila ang humawak ng pageant na ito, dahil ang grupo na nga nina Shamcey Supsup ang namahala ngayong 2020.

The post Idol si Miriam Defensor Santiago: Miss Iloilo Rabiya waging Miss Universe PH first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *