‘Idol PH’ Top 12 mas pahihirapan sa live round

Mas tumindi pa ang tagisan ng galing para sa pag-abot ng mga pangarap sa paghirang ng Top 12 Idol Hopefuls ng “Search for the Idol Philippines” noong Linggo (Hunyo 23).

The post ‘Idol PH’ Top 12 mas pahihirapan sa live round appeared first on Abante News Online.

idol ph top 12 mas pahihirapan sa live round - ‘Idol PH’ Top 12 mas pahihirapan sa live round
idol ph - ‘Idol PH’ Top 12 mas pahihirapan sa live round

Mas tumindi pa ang tagisan ng galing para sa pag-abot ng mga pangarap sa paghirang ng Top 12 Idol Hopefuls ng “Search for the Idol Philippines” noong Linggo (Hunyo 23).

Matapos ang mahigpit na tapatan sa Solo Round, anim na babae at anim na lala-king singer na lang ang magpapatuloy sa live round.

Pasok sa listahan si Dan Ombao na muling lumalaban para sa kanyang pangarap, pati na rin si Elle Ocampo, na nakilala sa naiiba niyang boses at style.

Pa-tuloy ring papatunayan ni Fatima Louise na karapat-dapat siyang manalo, at dala-dala naman ni Lance Busa ang karanasan niya bilang singer abroad para patumbahin ang mga katapat.

Magpapatuloy rin sa laban sina Lucas Garcia at Matty Juniosa na parehong iniaalay ang laban para sa kani-kanilang butihing ina. Kasama rin si Miguel Odron, na bumalik sa Pilipinas para sa kanyang pangarap, at ang youth ambassadress na si Rachel May Libres na bukod sa angking ganda ay may nakakabilib ding talent.

May puwesto rin sa Top 12 sina Renwick Benito na isa sa mga unang nagmarka sa mga manonood dahil sa kanyang kuwento at boses, si Sheland Faelnar na hinahangaan dahil sa agaw-pansing boses, si Trish Bonilla na gaya ng ina ay may hindi matatawarang talento sa pagkanta, at Zephanie Dimaranan na kahit isa sa mga pinakabata ay walang takot na nakikipagsabayan sa kantahan.

Mas magiging mahirap na ang laban ng Top 12 Idol hopefuls sa live rounds dahil may kapangyarihan na ang publiko na iboto ang kanilang pambato. Linggo-linggo, ang Idol hopeful na may pinakamababang boto ang matatanggal at hindi na magpapatuloy sa kanyang Idol journey.

Panoorin ang Idol hopefuls sa pagkamit ng kanilang pangarap sa “Search for the Idol Philippines” sa ABS-CBN. (Dondon Sermino)

The post ‘Idol PH’ Top 12 mas pahihirapan sa live round appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *