Ice, Vice Ganda nakaramdam ng takot sa ikinulong, kinaladkad na transwoman

Dahil sa pangyaya-ring kinalakad, pinosasan at ikinulong ang isang transgender woman matapos itong pagkaitan ng karapatang umihi sa pambabaeng restroom, mas lalong nakaramdam ng takot si Ice Seguerra sa kanyang estado bilang member ng LGBTQ+.

ice vice ganda nakaramdam ng takot sa ikinulong kinaladkad na transwoman - Ice, Vice Ganda nakaramdam ng takot sa ikinulong, kinaladkad na transwoman
ABANTE ice vice - Ice, Vice Ganda nakaramdam ng takot sa ikinulong, kinaladkad na transwoman

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Ice, Vice Ganda nakaramdam ng takot sa ikinulong, kinaladkad na transwoman Dahil sa pangyaya-ring kinalakadpinosasan at ikinulong ang isang transgender woman matapos itong pagkaitan ng karapatang umihi sa pambabaeng restroom, mas lalong nakaramdam ng takot si Ice Seguerra sa kanyang estado bilang member ng LGBTQ+.

Sa itsura at kilos ay hindi masasabing babae si Ice, kundi isa na itong lalaki. Sa kanyang Instagram post tungkol sa pagkaka-detain ng transgender woman, ibinahagi ni Ice ang sikreto niya kapag nasa ibang bansa siya.

Ayon sa post ng acoustic singer-artist, madalas kapag nasa ibang bansa siya ay hindi siya umiinom ng tubig upang hindi siya makaramdam ng tawag ng kalikasan at umihi sa pambabaeng restroom.

Ito ang nangyari nang magpunta si Ice sa NYC noon. Mas malala raw nu’ng nagpunta naman siya sa Middle East na kilala sa pagiging mahigpit sa mga LGBTQ+, dahil hindi talaga niya nagawang gumamit ng banyo para sa babae.

Lalong hindi rin naman siya puwede sa panlalakeng restroom dahil baka ma-harass sya ng mga lalaki.

Tinitiis na lang ni Ice, at posibleng magkasakit siya sa pantog dahil sa pagpipigil niyang umihi.

Ito ang malaking concern ni Ice hindi lang para sa kanya kundi pati na rin sa lahat ng member ng LGBTQ+.

Panawagan niya sa lahat na maunawaan ang kanilang sitwasyon, na malayo sa iniisip o inaakala ng iba na mitsa sila ng gulo o harm sa ibang tao.

Ganito rin ang pana-wagan ni Vice Ganda sa kanyang tweet kaugnay nga sa nangyari kay Gretchen Diez. Tila nawawalan na nang pag-asa ang “It’s Showtime” host na maipasa ang SOGIE bill para sa karapatan ng mga gaya niyang nasa ikatlong lahi o LGBTQ+.

Cherie Gil nakihalubilo, bumilib sa mga babaeng preso

Mas pinili ng mahusay na aktres na si Cherie Gil na makasama ang mga babae sa correctional para sa ilang oras na “poem sessions”. Kasama ni Cherie ang kanyang ina na si veteran actress Rosemarie Gil at anak na si Renee Rogoff nu’ng bumisita sila sa Correctional for Women kamakailan, para magbahagi ng kanilang passion sa poetry at tuloy mapanood ang pagtatanghal ng mga babaeng nakakulong.

Naka-post sa Instagram ni Cherie ang ilang mga larawang kuha sa nasabing women’s institution kasama ang ina, si Renee at pamunuan ng Correctional.

Nasa caption na sinulat ni Cherie ang paghanga niya sa mga babaeng nasa loob ng piitan na nag-recite ng kanilang mala-Shakespeare na mga ginawa nilang tula.

Itinuturing ni Cherie na espesyal ang pagdalaw niya sa correctio-nal. Natuklasan niya ang talent ng mga babaeng nasa loob sa paglalahad ng kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng kanilang mga obra.

Nagbahagi rin ng kanyang mater-yales si Renee, na lalong nagbigay ng kasiyahan kay Cherie.

Mapapatunayang si Heart Evangelista lang talaga ang pinakamalapit na kaibigan ng international author at siyang may-akda ng blockbuster movie na “Crazy Rich Asians” na si Kevin Kwan.

Heart, Kevin Kwan magsasama sa libro

Nagpa-teaser si Heart sa kanyang Instagram ng sample sa gagawin niyang fashion book na ang collaborator ay si Kevin Kwan. Masisilip sa IG ni Heart ang larawan at iba’t ibang color para sa bubuoing libro.

Nasa wall din nito ang larawan niya kasama si Kevin na kuha sa Paris nang bumisita sya roon at mag-pictorial para sa isang magazine.

Sa rami ng mga nagki-claim ng pagkakaroon nila ng association sa mahusay na author, tanging si Heart lang talaga ang may close-friendly ties at communication dito.

Dahil sa dami ng mga project ni Heart na may collaboration sa kung ano-anong brand, puwede na ngang tawaging “Queen of International Collaboration” ang Kapuso star.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *